Buod Ng Alamat Ng Saging – Alamat Tungkol Sa Pinanggalingan Nito
BUOD NG ALAMAT NG SAGING – Sa paksang ito, alamin at babasahin natin ngayon ang buong buod ng alamat ng saging.
Ang mga alamat ay isa sa mga uri ng panitikang tuluyan kung saan ito ay nagkukuwento ukol sa mga pinagmulan nga mga bagay-bagay sa daigdig.
Ito ay kadalasang kinukuwento ang mga pinagmulan ng mga hayop o mga halaman ngunit mayrron ring mga alamat tungkol sa mga lugar natin dito sa Pilipinas katulad ng alamat ng Bundok Kanlaon na nasa Isla ng Negros.
Narito ang buod ng kuwento kung saan nanggaling ang saging ayon sa website na Marvicrm:
Noong unang panahon, may dalawang magkasintahan na nangangalang si Aging at si Juana. Pinagpatuloy pa rin nila ang pagkakaibigan nila kahit hindi sang-ayon si Juana sa kay Aging.
Pumunta sa bukid ang ama ni Juana isang araw at nakita niya si Aging sa bukas na bintana sa bahay niya. Nagalit ang ama ni Juana kaya kinuha niya ang tabak at pinutol ang braso ni Aging.
Sa takot na patayin siya ay tumakbo ang binata papalayo. Hinabol ni Juana ang sinta niyang si Aging ngunit hindi na ito maabot. Nang makita niya ang naputol na braso ni Aging ay inilibing niya agad.
Nang makalipas na ang mga araw, ang ama ni Juana ay nagulat sa natagpuan niyang misteryosong halaman sa bakuran. Ang halaman ay kulay luntian na may mahaba at malalapad na dahon. May bunga siyang dilaw na hugis kamay at daliri ng tao.
Tinawag si Juana ng kanyang ama at nakita ang halaman. Natandaan ni Juana na doon niya inilibing ang naputol na braso ni Aging. Kaya nga ito ang sinabi niya sa kanyang ama:
“Ang halaman na iyan ay si Aging”
At sa doon, tinawag ang halaman na “Aging” na sa huli at nagiging “Saging”.
First time to read alamat ng saging.very simple ang one can imagine the banana fruit like a hand