BANSA NG SILANGANG ASYA – Mga Bansa Sa Silangang Asya

BANSA NG SILANGANG ASYA – Mga Bansa Sa Silangang Asya

BANSA NG SILANGANG ASYA – Sa paksang ito, alamin natin ang iba’t ibang mga bansa ng Silangang Asya at ang paglalarawan ng bawat isa.

BANSA NG SILANGANG ASYA

Ang kontinenteng Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo. Ito ay nahahati sa limang rehiyon: Gitnang Asya, Silangang Asia, Timog Asya, Timog-Silangang Asya, kun saan naroroon ang ating bansang Pilipinas, at Kanlurang Asya.

Dito sa paksang ito, ating matutuklasan ngayon ang mga bansa na nasa Silangang Asya.

Mga Bansa

China (Kabesera: Beijing)

Ang Republikang Bayan Ng Tsina ay ang pinakamataong bansa sa mundo na may populasyon ng higit sa 1.4 milyon (2016). Mayroon itong dalawang espesyal na rehiyon na nangangalang Hong Kong at Macau.

Hong Kong (Kabesera: Beijing)

Ang Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong ng Republikang Bayan Ng Tsina ay isa sa mga espesyal na pamahalaang rehiyon na nasa silangang bahagi ng estuaryo ng Ilog Perlas na nasa Timog Tsina. May populasyon ito ng higit sa 7 milyon.

Macau (Kabesera: Beijing)

Natatanging Pampangasiwaang Rehiyon ng Macau ng Republikang Bayan Ng Tsina ay isa sa mga espesyal na pamahalaang rehiyon na nasa kanlurang bahagi ng estuaryo ng Ilog Perlas na nasa Timog Tsina. May populasyon ito ng higit sa 600 libo.

Japan (Kabesera: Tokyo)

Ang Estado ng Japan ay isang pulong bansa na nasa Karagatang Pasipiko. Ang bansang ito ay tinaguriang “Lupa na Sinisikatan ng Araw”. May populasyon ito ng higit sa 126 milyon (2019).

North Korea (Kabesera: Pyongyang)

Ang Demokratikong Republikang Bayan ng Korea o North Korea ay binubuo ng hilagang bahagi ng Tamgway ng Korea. Ito ay napalibutan ng Tsina at Ruso sa hilaga at hilagang-kanluran. Ito ay may populasyon ng higit sa 25 milyon (2016).

South Korea (Kabesera: Seoul)

Ang Republika ng Korea o South Korea ay binubuo ng timugang bahagi ng Tangway ng Korea. Ito ay may populasyon ng higit sa 51 milyon (2019).

Mongolia (Kabesera: Ulaanbaatar)

Ang bansang Mongolia ay isang kalupaang bansa na nasa gitna ng Russia at China. Ito ay may populasyon ng higit 3 milyon (2019).

Taiwan (Kabesera: Taipei))

Ang Republika ng Tsina o Taiwan, na dating Formosa, ay isang pulong bansa na ang pulo ay hugis-mani. Ito ay nasa kanluran ng Dagat Luzon ng Pilipinas

BASAHIN DIN – BANSA NG TIMOG ASYA – Mga Bansa Sa Timog Asya

1 thought on “BANSA NG SILANGANG ASYA – Mga Bansa Sa Silangang Asya”

Leave a Comment