Alamat Ng Bundok Kanlaon – Ang Alamat Tungkol Sa Bulkan Ng Negros

Alamat Ng Bundok Kanlaon – Ang Alamat Tungkol Sa Bulkan Ng Negros

ALAMAT NG BUNDOK KANLAON – Sa paksang ito, ating alamin at tuklasin ang buong kwento tungol sa alamat ng bundok Kanlaon.

ALAMAT NG BUNDOK KANLAON
Image from: Vigattin Tourism

Ang bulkan ng Kanlaon na kilala rin bilang Kanla-on o Canlaon, ay isang aktibong bulkan na nasa Isla ng Negros sa Pilipinas. Ito rin ang pinakamataas na bulkan ng buong Visayas.

Katulad ng ibang bagay, ang bulkang ito ay mayroon ring alamat na tungkol sa isang bayani na sinasabing ang pinanggalingan ng pangalan ng bundok.

Ito ang buong alamat nito:

Noong unang panahon may isang ulupong na may pitong ulo na namiminsala sa mga tao. Nagbubuga ito ng apoy at walang awa sa mga hinaharap nito. Walang makalipol sa ulupong ito na nakatira sa bundok.

Dahil dito’y kumunsulta si Haring Matog sa mga pantas. May isang mang-gagamot na nagsasabi na mag-alay ng isang babae para mawala ang galit ng ulupong. Subalit nang malaman ito ng mga babae ay natakot sila at pinintahan nila ang kanilang mukha.

Subalit isang araw may isang binatang nangangalang Khan Laon na nag alok na patayin ang ulupong. Tinanggap ng hari ang alok ni Laon at nagsabi na ibibigay niya ang anak niyang si Prinsesa Talisay.

Inanyayahan niya ang angkan ng mga langgam, bubuyog at lawin para labanan ang ulupong.

Sa takot na mapatay ng ulupong si Khan Laon ay humingi ng tulong si Prinsesa Talisay sa amain niyang si Datu Sagay na tulungan ang binata. Ang mga mamayan naman ay sumigaw na si Prinsesa Talisay ang gawing alay sa ulupong kabag nabigo si Laon.

Nang dumating ang kawal ni Datu Sagay ay nakita nila ang pagtagumpay ni Laon laban sa uluong. Ang mga lawin at amga bubuyog ay dumudukot sa mga mata ng ulupong habang ang mga langgam naman ay pumunta sa katawan ng ulupong at kumakagat.

Si Laon naman ay pumupugot naman ng mga ulo ng ulupong. Sa huli, namatay ang ulupong.

Agad namang ibinigay ng hari ang kanyang pangako na ipakasal si Laon sa kay Prinsesa Talisay. Ang bundok ng ulupong ay ipinangalan sa kanya bilang pagkilala sa kanyang kabayanihan.

BASAHIN DIN: ALAMAT NG ROSAS: Ang Kwento Tungkol Sa Pinanggalingan ng Rosas

Leave a Comment