Sino Ang Tinaguriang Ama Ng Antropolohiyang Filipino?
AMA NG ANTROPOLOHIYANG FILIPINO – Sa paksang ito, alamin at tuklasin natin kung sino talaga ang tinaguriang “Ama ng Antropolohiyang Filipino”.
Ang antropolohiya, o kilala rin bilang agham-tao, ay ang pag-aaral sa lahi ng tao. Ito ay mula sa salitang Griyego na ánthrōpos (ἄνθρωπος) na nangahulugang “tao”, at lógos (λόγος), na nangahulugang “pag-aaral”.
So ang tanong, sino ang siyentipiko na tinawagang “Ama ng Antropolohiyang Filipino”? Walang iba kundi isang Amerikanong siyentipiko na si Henry Otley Beyer o kilala rin bilang H. Otley Beyer.
Henry Otley Beyer (1883 – 1966)
Siya ay isinilang sa Edgewood, Iowa sa isang pamilyang may lahing Bavarian. Naging interesado si Beyer sa bansang Pilipinas nang bumisita siya sa isang Pilipinong exhibit na nasa Missouri.
Paglaki niya, nagtuturo siya ng kuturang etniko ng Pilipinas. Sa mga unang taon niya sa bansa ay naging guro siya sa bulubundukan ng Cordillera na tahanan nga mga taga-Ifugao. Ang tawag ni A. V. H. Hartendorp kay Beyer ay Dean ng Pilipinong etnolohiya, arkeolohiya, at prehistorya.
Siya ang gumawa ng akdang “Migration Theory” na nagsasabi ang mga unang Pilipino ay nanggaling sa “Java Man”, “Aeta”
at “Malay”. Ikinikilala siya at pinupuri siya as Unibersidad ng Pilipinas, Ateneo de Manila, Unibersidad ng San Carlos at ang National Science Development Board.
Ang dahilang na-angkin niya ang titulong ito ay dahil nakapag-asawa siya sa isang babaeng taga-Ifugao na si Lingayu Gamuk, ayon sa anak niyang si William; Malaki ang kontribusyon niya sa pag-aaral ng Antropolohiya ng Pilipinas; at itinuturo rin niya at ibinabahagi niya sa maraming tao.
Bago namatay si Beyer, ipinarangal siya ng Silliman University at Ateneo de Manila ng honoraryang titulo ng doktor.
Ang kaniyang pamana ay ang kanyang mga isinulat ay nasa Pambansang Librarya ng Australya at isang butiki na nakapangalan sa iya na Sphenomorphus beyeri o common skinks.
BASAHIN DIN – Philippines: What Makes This Country Beautifully Different From Others?