ANO ANG BIOPOEM – Ang Kahulugan At Mga Halimbawa Nito

Ano Ang Biopoem At Mga Halimbawa Nito?

ANO ANG BIOPOEM – Sa paksang ito, alamin at tuklasin natin kung ano ang biopoem, ang kahulugan at ang mga halimbawa nito.

ANO ANG BIOPOEM

Kahulugan

Ito ay isang tula na katulad ng bionote na naglalarawan ng isang tao at ang uri ng pagkatao niya sa pananaw ng ikatlong tauhan. Ang pinagkaiba nito sa bionote ay maari itong may sukat o tugma o katulad ng bionote ay malaya pero sa anyo ng isang tula.

Maari itong madaling hulaan ngunit hindi magkasintunog ang dulong salita at kadalasang parang isang talambuhay ito.

Paano gumawa ng biopoem?

Ang pinakakaraniwang format ng biopoem ay sampung linya. Ang kabilang ng bawat linya ay ang sumusunod:

  • Linya 1 – Unang pangalan
  • Linya 2 – Tatlo o apat na pang-uri na naglalarawan sa tao
  • Linya 3 – Importanteng mga relasyon ng tao
  • Linya 4 – Dalawa o tatlong bagay na hilig o iniibig ng tao
  • Linya 5 – Ang mga damdaming naranas niya
  • Linya 6 – Tatlong kinatatakutan niya
  • Linya 7 – Mga nagawa niya
  • Linya 8 – Dalawa o tatlong bagay na gusto niyang mangyari o mararanas
  • Linya 9 – Saan siya nakatira?
  • Linya 10 – Ang apelyido niya.

Halimbawa

Pedro
Mabait, Masunurin, Mapagmahal, Banal
Migranet, Karpintero, Sakristan at Misyonaryo
Mamagmahal sa kapwa, tapat sa Panginoon
Pumunta sa Guam, nagligtas ng isang buhay
Sa kanyang pagiging maka-Diyos, sinibat at namatay
Nag-alay ng buhay, pagiging banal ay naisakatuparan
Ang pagiging Kristiyano at ang Kabanalan ay nais niyang ipalaganap
Katutubong Cebuano
Calungsod ang apelyido

Pedro ni Nariel Marciales

Jose Rizal
Jose ang pangalan niya
Matapang, matalino at matiyaga
Anak ni Teodora
Kalayaan ay mahalaga sa kaniya
Kinaya ang pagsakop ng mga Kastila
Kaniyang buhay ay nilaan
Kalayaan ay nais matamasa
Tirahan niya’y sa Calamba, Laguna 
Siya si Jose Rizal
Tularan natin siya

iamdiregis on Brainly

Jonas
Mataas, Malaki, Matapang at isang Drayber ng Trak,
Anak ni Jose at Joan
Makina at Eroplano ang hilig niya.
Matiisin, Masayahin, at Nabigo sa Pagiging Piloto
Wala mang takot, maliban sa ahas
Noon sa Derry, ngayon sa Shanghai
Johnson ang apelyido niya

Si Jonas

Leave a Comment