HALIMBAWA NG TULANG PANUDYO – Kahulugan At Mga Halimbawa
HALIMBAWA NG TULANG PANUDYO – Sa paksong ito, alamin natin ang mga halimbawa ng tulang panudyo pero unahin natin alamin ang kahulugan nito.
Magsimula muna tayo sa kahulugan ng tulang panudyo.
Kahulugan
Ang tulang panudyo ay isang uri ng karunungang bayan na ang kayarian ay mga sukat (measure) at tugma (rima). Layunin nitong uyamin o manudyo.
Ito rin ay nagpapahayag na ang mga ninuno natin ay may makulay na buhay nang bata pa sila.
Mga Halimbawa
Bata Batuta
Isang pera, isang muta
Tutubi, tutubi
‘Wag kang pahuli
Sa batang mapanghi
Putak, putak,
Batang duwag
Matapang ka’t nasa pugad
Ako’y tutula
Mahabang mahaba
Ako’y uupo
Tapos na po
Tatay mong bulutong
Puwede nang igatong
Nanay mong maganda
Pwede mong ibenta
Si Maria kong Dende
Nagtinda sa gabi
Nang hindi mabili
Umupo sa tabi
Mga pare, please lang kayo’y tumabi
‘Pagkat dala ko’y sandatang walang kinikilala –
Ang aking MANIBELA
Ako ay isang lalaking matapang
Huni ng tuko ay kinatatakutan
Nang ayaw maligo
Kinuskos ng gugo
Pedro panduko
Matakaw sa tuyo
Nang ayaw maligo
Pinupok ng Tabo
Sitsit ay sa aso,
Katok ay sa pinto
Sambitin ang “para”
sa tabi tayo’y hihinto
May dumi sa ulo,
Ikakasal sa Linggo
Inalis, inalis,
Ikakasal sa Lunes
I Allan
tinakla ya king dalan
ikit neng kapintan
Beril ne Pitaklan
Si Edna
Pumunta sa kalsada
Ang tanga
kaya sagasaan.
Si Edna
Pumunta sa kalsada
Ang tanga
kaya sagasaan.
Si Anna
Ay napakaganda
Pero kong tumayo
Ay parang nakaupo.
READ ALSO: KATANGIAN NG WIKA – Ang Bawat Katangian At Ang Kahulugan Nila