KOLONYALISMO – Kahulugan At Tatlong Nasyong Nagsakop Sa Bansa

KOLONYALISMO – Ang Kahulugan At Ang Tatlong Nasyong Nagsakop Sa Bansang Pilipinas

KOLONYALISMO – Sa paksang ito, ating alamin at tuklasin ang kahulugan ng kolonyalismo at ang tatlong bansang nagsakop sa bansang Pilipinas.

KOLONYALISMO

Kahulugan

Ito ay tumutukoy sa tuwirang pananakop ng isang bansa sa ibang dako para pagsamantalahin ang yaman nito o makuha rito ang iba ang pangangailangan ng mga kolonisador. Kadalasang iniugnay ito sa imperyalismo pero iba sila sa diwang maaring magsilbing baseng pangangalakal o pagmimilitar ang isang kolonya.

Mga Bansang Nagsakop Ng Pilipinas

1. Kastila

Ang naunang nagsakop ng bansang Pilipinas ay ang Espanya. Ito ay nagsimula sa pagdiskubre ng isang manlalakbay na Portuges na si Ferdinand Magellan. Ang mga layunin ng mga Kastila ay:

  • makuha ang mga kayamanang nakataglay sa mga nasakop niyang lupain;
  • ipagpalaganap ang relihiyong Kristyanismo; at
  • Hangad nilang makamit ang karangalan at kapangyarihan bilang nangungunang bansa ng mga bagong lupain.

Dito rin ipinangalan ang Pilipinas mula kay Haring Felipe II na namumuno sa Espanya noong 1556 hanggang 1598. Naging mapangahas ang mga Kastila sa pamumuno ni Haring Ferdinand at Reyna Isabella. Ang Pilipinas ay naging kolonya ng Espanya na sa higit pa sa tatlong daang taon.

2. Amerikano

Ang ikalawang nagsakop ng bansang Pilipinas noong 1898. Ang layunin nila ay ang pag-iiwi sa bansa hanggang maabot nito ang tamang panahon na palayain. Sa taong 1898 nakatuntong ang mga sundalong Amerikano pero nagsimula ang kanilang pamamahala noong 1899. Nasasakop sa ilaim ng pamahalaan ng Estados Unidos ang Pilipinas sa higit pa sa apat na pung taon.

3. Hapon

Nangyari ito sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang mga Hapon ang ikatlong nagsakop ng Pilipinas noong December 8, 1941 matapos nilang sinalakay ang Pearl Herbor, Hawaii, sa mga base ng mga Kano sa Davao, Cavite, Baguio, at Zambales. Idineklara ni Heneral Douglas McArthur na open city ang Manila noong Dec. 26. Itinatag ng mga Hapon ang Gobyernong Militar sa bansang ito sa pamumuno ni Heneral Masaharu Homma. Nasasakop sa ilaim ng pamahalaan ng mga Hapon ang Pilipinas sa tatlong taon.

BASAHIN DIN – NASYONALISMO – Kahulugan At Ang Mga Kilalang Nasyonalista

Leave a Comment