ANO ANG TULA – Kahulugan At Ang Iba’t Ibang Akdang Patula
ANO ANG TULA – Sa paksang ito, malalaman at matutuklasan natin kung ano ang tula o sa panitikan, ang patula, at ano ang mga iba’t ibang mga akda nito.
Kahulugan
Kilala rin sa mundo ng panitikan bilang patula, ito ay isa sa dalawang uri ng panitikan na isang pagtutulungan ng mga salita at ritmo o rhythm. Nakabilang dito ang ritmo at metro o meter, na kung saan ang ritmo ay nagpapakita ng pagkahaba at pagkaikli na mga pattern sa pamamagitan ng nagbibigay-diin at hindi nagbibigay-diin na mga pantig; habang ang metro naman ay isang set ng mga patakaran na namamahala sa mga numero at pag-aayos ng mga pantig sa bawat linya.
May limang elemento ang patula: sukat, saknong, tugma, tono, at persona.
Mga Akdang Patula
- Tulang Pasalaysay – ang tulang pasalaysay ay tumutukoy sa mga pinapaksang mga importante at mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, kagitingan at kabayanihan ng isang tauhan.
- Awit/Korido at Kantahin – ito naman ay tumutukoy sa mga musikang may tono na talagang magandang pinakikinggan.
- Epiko – ito ay isang akdang patula na isinalaysay ang kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na kadalasang hindi mapaniwalaan dahil sa mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Ito ay kadalasang inaawit pero meron namang mga epikong binabasa.
- Balad o Ballad – ito naman ay isang akdang patula na iasng uri o tema ng isang tugtugin.
- Sawikain – ito naman ay tumutukoy sa:
- idioma – isang uri ng sawikain pagpapahayag na ang kahulugan ay hindikomposisyunal.
- moto – parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupong mga tao
- salawikain – mga kasabihan o kawikaan.
- Bugtong – pangungusap o tanong na may iba o nakatagong kahulugan.
- Tanaga – tumutukoy ito sa mga maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan.