HALIMBAWA NG HAIKU – Tulang Mula Sa Mga Hapon
HALIMBAWA NG HAIKU – Heto ang mga iba’t ibang mga halimbawa ng haiku, tulang nagmumula sa bansa na sinisikatan ng araw, Japan.
Ang haiku ay isang tula na nagmula sa mga Hapon. Ang unang pangalan niya ay hokku. Maraming bersyon ang haiku pero ang pinakakaraniwang baryante ay binubuo ng tatlong linya, nasa 3-5-3 na pantig o may kabuuan ng 17 na pantig.
Mga Halimbawa
Ang payo ko lang
Makipagkaibigan
Sa maiinam.
PILIN
Gabing madilim
Kulay ay inilihim
Kundi ang itim
Itinuring ko,
Kaibigan totoo,
Ang tulang haiku
HAIKU
Pinakatunay,
Na kaibigang taglay,
Ang Poong Buhay!
PINAKA
Baliw sa haiku
Tuloy lang sa pagbuo
Hanggang maluko
Kung maghahanap
Kaibigang kausap
Dapat ay tapat
TAPAT DAPAT
Dapat bayaran,
Utang sa kaibigan
‘Wag kalimutan
HUWAG BALASUBAS
Magdasal ngayon
Sa ating Panginon
Upang maglaon
Kakaiba nga,
Ganitong mga tula
Nakakasigla.
Ang kaibigan,
Iyong maasahan
Sa kagipitan
LAHAT NG ORAS
Ulilang damo
Sa tahimik na ilog
Halika, sinta!
– Gonzalo Flores
Mahirap pala
Ang lima-pito-lima
Pantig na tula
Sining
Diwa ko’t puso,
Ay para lang sa iyo,
Minamahal ko
Pag-ibig
Pag-aasawa
Di kaning iluluwa
Kapag ayaw na
Pakikisama
Sa iyong mga kapwa
Dulot ay saya
Madaling-aaw
Nang umuwi ng bahay
Lasing na naman
Pag-aasawa
BASAHIN DIN SA INGLES – HAIKU: Definition And Examples Of How To Make One