HALIMBAWA NG PALAISIPAN – Mga Iba Pang Halimbawa
HALIMBAWA NG PALAISIPAN – Heto ang mga iba’t iba pang mga halimbawa ng palaisipan o mga bugtong nga kailangan nating alamin.
Muli kong babangitin ang ibig sabihin ng palaisipan.
Kilala rin bilang bugtong, pahulaan, o patuturan, ito ay isang tanong o pangungusap na may iba o nakatagong kahulugan na kailangang lutasin o hulaan.
eto ang halimbawa ng mga palaisipan. Muli, para makita ang sagot, i-highlight ang pula na kahon na parang ganito:
Halimbawa
1. “Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.” Ano ito?
GAMU-GAMO
2. “Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.” Ano ito?
KULIGLIG
3. “May bintana nguni’t walang bubungan, may pinto nguni’t walang hagdanan.” Ano ito?
KUMPISALAN
4. ” Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.” Ano ito?
BAYONG O BASKET
5. “Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa.” Ano ito?
BALIMBING
6. “Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.” Ano ito?
ANINO
7. “Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.” Ano ito?
KANDILA
8. “Nakakaluto’y walang init, umuusok kahit na malamig.” Ano ito?
YELO
9. ” Sapagkat lahat na ay nakahihipo; walang kasindumi’t walang kasimbaho; bakit mahal nati’t ipinakatatago.” Ano ito?
SALAPI O PERA
10. “Baka ko sa palupandan, unga’y nakakarating kahit saan.” Ano ito?
KULOG
11. “Tinuktok ko ang bangka, naglapitan ang mga isda.” Ano ito?
KAMPANA
12. “Nagtanim ako ng isip sa gitna ng tubig, dahon ay makitid, bunga ay matulis.” Ano ito?
PALAY
13. “Kung sa isda, ito ay dagat, kung sa ibon, ito’y pugad, lungga naman kung ahas, kung sa tao, ano ang tawag?” Ano ito?
BAHAY
14. “Pag-aari mo, dala-dala mo, datapwa’t madalas gamitin ng iba kaysa sa iyo.” Ano ito?
PANGALAN
15. “Ang sariwa’y tatlo na, ang maitim ay maputi na, ang bakod ay lagas na.” Ano ito?
MATANDA
BASAHIN DIN – BUGTONG – Mga Halimbawa At Ang Mga Sagot Nila