HALIMBAWA NG TALATA – Ang Serye Ng Mga Pangungusap

HALIMBAWA NG TALATA – Ang Serye Ng Mga Pangungusap

HALIMBAWA NG TALATA – Heto ang mga halimbawa ng talata o mga magkadugtong na pangungusap. Uunahun muna natin ang kahulugan at mga uri nito.

TALATA

TINGNAN: Ano Ang Talata – Kahulugan Ng Talata, Mga Uri, At Katangian Nito

Kahulugan

Ito ay isang serye ng mga pangungusao na magkakaugnay at nakaayos sa isang paksa. Ito rin ay nagpapakita sa mambabasa kung saan ang pasimula at pagtapos ng kapitulo ng isang sanaysay o essay at mauunawaan ang pangunahing ideya nito.

Bawat isa sa ila ay may istraktura at hindi random na koleksyon ng mga pangungusap.

Uri

May apat na uri ang talata:

  • Panimulang Talata – ito ay magsimulang nalalaman o nagkaroon ng punto na may kinalaman sa paksa at kung saan ito patungo
  • Talatang Ganap – ito naman ay ikinabit ng mga puntong nagtutulak sa pangunahing diwa para mas lalong maintindihan ng mambabasa.
  • Talatang Paglilipat Diwa– ito ay sinasama o kinukuha ang mga nasabi nang ideya sa mga nauna.
  • Talatang Pabuod– ito naman ang panghuli na kung saan nabibigay ng linaw sa buong talatang nabasa.

Halimbawa

1. Tungkol sa Pamilya ayon kay maraudersmap123 sa website na Brainly:

“Ang pamilya ay isang salita na naglalarawan sa grupo ng mga tao na mayroong iisang biyolohikal na pinanggalingan. Ayon sa ekonomiks at sa kasaysayan, ang pamilya ay tumutukoy sa pinamaliit at pinakapangunahing yunit na bumubuo sa isang komunidad o lipunan. Ito ay madalas na binubuo ng mga magulang, anak, at kung minsan ay pati ng mga apo at iba pang kamag anak.
Dahil ang pamilya ang nagsisilbing pundasyon sa pagkakabuo ng isang lipunan, mahalaga na mapanatiling maayos ang isang pamilya. sila ang nagpapatuloy at nagtataguyod sa kabutihan ng bawat miyembro nito, at maging ng bawat miyembro ng isang lipunan. “

Tungkol sa Paaralan ayon kay danicaparra mula sa website na Brainly:

“Karunungan at kaibigan, sa paaralan ito matatagpuan. Guro ang pangalawang magulang na siyang magtuturo at huhubog sa nasimulan ng mga magulang mula sa tahanan. Ang paaralan ang itinuturing na pangalawang tahanan. Ang bawat estudyante ay nagsisikap sa pag-aaral para sa kanilang mga pangarap. Ang mga kakayahan ng isang estudyante ay sa paaralan nililinang at dinidiskubre. Ang pagsibol ng isang bata na siyang magpapaunlad ng ekonomiya ay dito magmumula. Paaralan ay daan para sa magandang kinabukasan.”

Ang mga sinusulat ko sa paksang ito ay mga halimbawa rin ng talata.

BASAHIN DIN – HALIMBAWA NG PALAISIPAN – Mga Iba Pang Halimbawa

Leave a Comment