DEPINISYON NG PANANALIKSIK – Kahulugang Ayon Sa Mga Awtor
DEPINISYON NG PANANALIKSIK – Sa paksang ito, alamin natin ang depinisyon ng pananaliksik sa heneral na kahulugan at ayon sa mga iba’t ibang awtor.
Alamin muna natin ang karaniwan na depinisyon.
Kahulugan
Ito ang pagtuklas at pagsubok ng isang teorya upang lutasin ang problema o hadlang sa buhay ng isang suliranin na nanailangan na bigyan ng solusyon.
Kahulugan Ayon sa Iba’t Ibang Mga Awtor
- Good, 1963 – Ito ay isang maingat, kritikal, at disiplinadong pagtatanong ng impormasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan na ayon sa kalikasan at kalalagyan ng suliraning tinukoy tungo sa solusyon nito.
- Aquina, 1974 – Ito ay isang detalyadong kahulugan at isang sistematikong paghahanap at pagsusuri sa mga importanteng impormasyon tungkol sa isang tiyak na paksa o suliranin
- Manuel at Medel, 1976 – Ito ay isang proseso ng pangangalap ng impormasyon o datos para masolusyonan ang isang karaniwang problema sa paraang siyentipiko.
- Parel, 1966 – Isa itong sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay na ang layunin ay mabigyan ng sagot ang mga katanungan ng isang nagsusuri o nananaliksik.
- E. Trece at J. W. Trece, 1973 – Ito ay isang pagsubok para makakuha ng mga sagot ng mga walang katiyakan. Ito rin ay isang pag-iipon ng impormasyon o datos sa isang kontroladong kalagayan para mahulaan at makapaliwanag.
- Calderon at Gonzales, 1993 – Ayon sa kanmila, ito naman ay isang sistematiko at siyentipikong pamamaraan ng pag-iipon, pagsusuri, paglilinaw, pag-aayos, pagpaliwanag, at pagbigyang kahulugan nga isang datos o impormasyon na nangangailangan ng solusyon sa problema. Ito rin ang palawakin sa mga limitadong kaalaman at pagpakita ng pag-unlad sa buhay ng tao.
- Kerlinger, 1973 – Ayon naman sa kanya, ito ay isang sistematiko, kontrolado, panigurado sa obsebasyon, at panunuri ng mga panukalang hypotetikal ukol sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari.
BASAHIN DIN – URI NG LIHAM – Ang Dalawang Uri At Ang Mga Kauri Nila