Ano Ano Ang Mga Uri Ng Sanaysay?
URI NG SANAYSAY – Ang sanaysay o essay ay akdang sulat na naglalaman ng mensahe, pananaw o ideya ng may akda tungkol sa isang paksa.
Ang layon ng pagsulat ng sanaysay ay kadalasan upang magpahayag ng opinyon o ideya. Maaari din itong magsilbi bilang daan upang maki-pag komunikasyon sa mambabasa. Ang paksa ay maari ding mag-iba ngunit mas maigi na ito’y napapanahon at may kabuluhan.
Matuto tungkol sa iba pang uri ng panitikan at mga halimbawa nito. Sundan ang link na ito upang makapunta sa page.
Ang mga uri ng sanysay ay nag-iiba depende sa laman o content nito at sa paksa o topic na tinatalakay.
Ang sanaysay ay may dalawang pangunahing uri.
Ang pormal na sanaysay at di-pormal na sanaysay.
PORMAL NA SANAYSAY
Ang pormal na sanaysay ay karaniwang nagpapahayag tungkol sa seryosong paksa at karaniwang isinusulat na may taglay na maiging pag-aaral o pananaliksik ng may akda. Ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa ibat-ibang paksa maging: tao, hayop, bagay, okasyon o pangyayari. Ang tono ng pagsulat ay seryoso at pormal din pormat nang pagkakasulat.
DI-PORMAL NA SANAYSAY
Ang di-pormal na sanaysay naman ay maaring tungkol sa karaninwang mga paksa, personal na pananaw o mga sualt na naglalayong makapagbigay aliw sa mambabasa. Ang tema at pormat nang pagsulat nang ganitong uri ng sanaysay ay kadalasan may bakas ng personalidad ng may akda at parang nakikipag-usap lamang sa isang kaibigan at hindi gaanong pormal ang mga salitang gamit sa pagsulat.
MGA BAHAGI NG SANAYSAY
SIMULA – Dito karaniwang naglalagay nang pang-akit atensyon ang nagsusulat ng sanaysay. Dito makakapag-isip ang mambabasa kung magpapatuloy pa sa pagpabasa.
KATAWAN O GITNA – Dito naman naka lagay ang malaking bahagi ng sanaysay, dito maisasaad ang mga mahahalagan impormasyon o ideya ng may akda tungkol sa paksa. Dito nagpapahayag ng mensahe and tagapagsulat.
WAKAS – Ito ang pansarang bahagi ng sanaysay. Dito maaring magsulat ng konclusion, buod ng sanaysay o mensaheng habilin ng manunulat sa mambabasa. Maari ding maglagay ng sulat na makakapag-hamon sa pag-iisip ng mga nagbabasa ng akda.
Ito ay ayon sa article galing sa PinoyCollection.
Nakatulong ba itong article sa inyo? Ibahagi ang inyong opinyon!