Di Likas Na Yaman At Likas Na Yaman – Ang Pinagkaiba Ng Dalawa

Ano Ang Pinagkaiba Ng At Di Likas Na Yaman

DI LIKAS NA YAMAN – Sa paksang ito, malalaman natin kung ano ba ang pinagkaiba ng mga likas na yaman at di likas na yaman.

DI LIKAS NA YAMAN

Likas

Sila ang mga yaman na binubuo ng yamang lupa, tubig, gubat, at mineral. May tatlong uri sila ayon sa anyo:

  • Yamang nauubos at di napapalitan – tumutukoy sa mga yamang hindi mapapalitan kahit kailan. Kapag nagamit na, hindi maibabalik sa kanyang dating anyo
  • Yamang napapalitan – ito ay mga yamang maaring palitan kapag nauubos.
  • Yamang hindi nauubos – Ito ay mga yamang hindi mauubos kahit ulit-uliting gamitin

May apat na uri ang likas na yaman

  • Yamang Lupa – ito ay mga yamang galing sa lupa, hayop man o halaman tulad ng bigas, gulay, prutas, at iba pa.
  • Yamang Gubat – Ang pinakamahalaga na yaman. Ito ay mga yamang nanggaling sa gubat.
  • Yamang Tubig – Mga yamang nanggaling sa tubig. Halimbawa nito ang mga isda, hipon, pusit, at iba pa.
  • Yamang Mineral – Ito ay makikita sa mga kuweba o sa kalaliman ng lupa. Halimbawa nito ay mga tanso, ginto, pilak, at iba pa.

Di Likas

Ito ay mga yamang hindi natural at ginawa ng mga tao. Mayroon ring mga tanawin na inanyuan ng mga tao katulad ng hagdan-hagdang palayan ng Ifugao.

Mga Halimbawa:

  • Kompyuter
  • Simbahan
  • Bahay
  • Gusali
  • Parke
  • Boulevard
  • Cassete Player
  • Sasakyan
  • Barko
  • Eroplano

BASAHIN DIN: Tula At Ang Mga Elemento Nito (Poems And Elements Of Poetry)

Leave a Comment