Heto Ang Kahulugan Ng Tula At Mga Elemento Nito
TULA – Ito ay kasulatang naglalayong magpahayag sa paraan ng pananalitang may aliw-iw, ito ay maaring maglarawan ng buhay at iba pa.
Sakop nang panitikan ang tula at iba pang mga akda na nag pagpapahayag ng kaisipan, ideya o saloobin. Ito ay maaaring bigkasin na may ibat-ibang klase ng estilo o ritmo,
Sundan ang link na ito, upang makilala ang mga tanyag na manunulat sa bansa.
Samantala, ang tula ay mayroong ibat-ibang elemento na bumubuo nito.
Ang mga elemento nito ay ang mga sumusunod:
- Sukat
- Saknong
- Tugma
- Tono
- Persona
Ang sukat ay ang karamihan or bilang ng pantig sa bawat taludtod sa loob ng saklong. Halimbawa: puso – pu ‘ so – dalawang pantig
Saknong ang ssumasakop sa lahat ng linya o taludtod sa isang tula. It ay karaniwang binubuo ng isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya.
Tugma naman ay ang pagkakasintunog ng huling pantig sa bawat salita sa katapusan ng bawat taludtod.
Samantalang ang tono o indayog ay tumutukoy sa diwa ng tula.
At ang persona naman ay ang may boses o ang nagsasalita sa tula. Ito ay maaring maging sa una, pangalawa o pangatlong panauhan,
Ito ay ayon sa sulat article galing sa Teksbok.
Halimbawa:
BAYAN KO
– José Corazón de Jesús
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto’t bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda’t dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.
Ibon mang may layang lumipad
kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko’t dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya.
Maaaring magensayo ng kaalaman sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga elemento gamit ang bigay na halimbawa.
Nakatulong ba itong sulat sa inyo? Magbigay ng feedback.