TAYUTAY – Mga Uri At Halimbawa Nito
TAYUTAY – Sa paksang ito, tutuklasin natin ngayon ang mga iba’ ibang uri ng mga tayutay at mga halimbawa ng mga uri nito.
![TAYUTAY](http://philnews.ph/wp-content/uploads/2019/06/TAYUTAY.jpg)
Kahulugan
Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.
Mga Uri Ng Tayutay
1. Pagtutulad (Ingles: Simile)
Ito ay isang paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari atbp. Gumagamit ang pagtutulad ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp.
- Ikaw ay kagaya ng ibong lumilipad
- Ang kagandahan mo ay tulad ng isang anghel.
2. Pagwawangis (Ingles: Metaphor)
Ito ay katulad ng pagtutulad, maliban sa hindi ginagamit ang mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp.
- Si Jon ay lumalakad na babae.
- Malakas na lalaki si Ken.
3. Pagtatao (Ingles: Personification)
Ito ay pagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa bagay.
- Ang mga damo ay sumasayaw.
- Tumatawa ng malakas ang mga puno.
4. Eksaherasyon (Ingles: Hyperbole)
Ito ay lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan at kalagayan ng tao, bagay, pangyayari atbp.
- Ang pagmamahal ko sa iyo ay singlayo ng buwan.
- Parang nabiyak ang aking ulo sa kaiisip sa ginawa mo.
5. Paguyam(Ingles: Sarcasm/Irony)
Isang tayutay na kung saan ito ay pangungutya o pangaasar ito sa tao o bagay.
- Ang sipag mo naman, Juan. Makikita ko ang sipag mo sa madumi mong kwarto.
- Sa kagandahan mo, nakikita ko ang mga butas-butas at mga tagihawat ng mukha mo.
6. Paglipat-wika
Ito ay paggamit ng pang-uri upang ipaglalarawan ang mga bagay.
- Ang masayang larawan ni Pedro ay nagpapakita nga kanyang emosyon ngayon.
- Ang ulilang bag na iyan ay galing kay Celia.
7. Paglilipat-saklaw (Ingles: Synecdoche)
Pagbanggit ito sa bahagi nga isang bagay o ideya bilang katapat ng kabuuan.
- Tatlong kamay ang tumutulong sa kawawang ulila
- Si Santiago ay humingi ng kamay ng dalaga.
8. Pagtawag (Ingles: Apostrophe)
Ito ay pagtawag sa mga bagay na parang ikinausap sila.
- O Pag-ibig, nasaan ka na?
- Galit, layuan mo ako magpakailanman.
9. Tanong Retorikal (Ingles: Rhetorical Question)
Mga tanong ito na hindi nangangailangan nga sagot.
- Kailangan ko bang tangappin na hindi niya ko mapapansin at mamahailin?
- Wala na bang pag-asa na makaahon tayo sa kahirapan nang dahil sa mga sunud-sunod na mga problema natin?
10. Pagpapalit- tawag (Ingles: Metonymy)
Ito ay pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng bagay na magkaugnay.
- Igalang dapat ang mga maputing buhok.
- Mas magiting ang panulat kaysa espada.
11. Panaramdam (Ingles: Exclamatory)
Ito ay naglalarawan sa mga karaniwang damdamin
- Noon, kapag nakikita kita, punung-puno ako ng kaligayahan at kilig per ngayon, sa tuwing nakikita kita na may ibang kasama, dumilim ang mundo ko at punung-puno ng pighati at kirot.
12. Tambisan(Ingles: Antithesis)
Ito ay pagtatabi ng mga hagap na nagkakahidwaan sa kahulugan upang lalong mapatingkad na lalo ang mga salita.
- Ang pag-ibig ay ideyal ngunit ang kasal ay tunay na bagay.
- Marami ang tinawag pero kaunti ang napili.
13. Paghihimig (Ingles: Onomatopoeia)
Ito ay pagpahiwatig ng kahulugan sa pamamagitan ng tunog o himig ng mga salita.
- Maririnig ko ang tiktok ng orasan.
- Mainga ang aw-aw ng aso kong si Iggy.
14. Pag-uulit(Ingles: Alliteration)
Ginagamit nito ang magkatulad na titik o pantig sa simula ng dalawa o mahigpit pang salitang ginagamit sa isang pangungusap.
- Si Sam ay sumasayaw sa silid-aralan.
- Masipag maglaba ang mga magulang ko.
15. Pagtanggi(Ingles: Litotes)
Ito ay ginagamit ang salitang “hindi” sa unahan ng pangungusap.
- Hindi niyo ako maloloko
- Hindi siya sumama sa outing ng kanilang barkada.
16. Salantunay(Ingles: Paradox)
Ito ay ang pagpapahayag ng isang katotohanan sa pamamagitan ng paggamit ng sangkap na animo’y di totoo sa biglang basa o dinig.
- Ang mga palaging talo sa buhay ang nagtagumpay.
- Ang mayaman ay mahirap sa kaligayahan.
17. Pangitain(Ingles: Vision imagery)
Ito ay nagpapahayag ng mga laman ng isip na animo’y tunay na kaharap o nakikita sa nagsasalita.
- Naiisip ko na maging mapayapa ang lahat.
- Nakikita kong mananalo ako sa kompetisyon.
18. Paghahalintulad(Analogy)
Ito ay pagtutulad ng dalawang bagay, lugar, o ideya na magkatumbas.
- Ang dalaga ay parang isang bulaklak, at ang binata ay parang isang bubuyog.
- Ako ay isang buwan na sumisikat sa gabi, at ikaw ay isang araw na sumisikat sa umaga.
BASAHIN DIN: LAPU-LAPU : Interesting Facts About The First Filipino Hero
Hi umm these examples were great but i have one issue that issue is that there is one thing you didnt put and its pagmamalabis please put some thank yoi
Pagmamalabis ay ang Eksaherasyon o sa english ay Hyperbole. Pagmamalabis talaga ang orihinal na tawag doon.