TEORYA NG WIKA – Mga Teoryang Pinagmumulan Ng Wika

TEORYA NG WIKA – Mga Teoryang Kung Saan Ang Wika Ay Pinagmumulan

TEORYA NG WIKA – Sa paksang ito, tutuklasin natin ang iba’t ibang teorya ng wika na mga basehan kung saan nagsimula ang wika.

Pero bago natin silang kilalanin, ano ba ang teorya?

TEORYA NG WIKA

Teorya

Ang teorya ay isang siyentipikong pag-aaral ng iba’t ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na may batayan pero hanggang ngayon, hindi pa napapatunayan ng lubos.

Mga iba’t ibang mga teorya ng wika

1. Teoryang Bow-wow

Isang teoryang ginagayaang mga tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok, atbp.; at ng mga tunog ng kalikasan kaya ng ihip ng hangin, patak ng ulan, atbp.

2. Teoryang Ding-dong

Itinutukoy nito ang mga sariling tunog ng lahat ng bagay sa kapaligiran tulad ng tsug-tsug ng tren o tik-tak ng orasan.

3. Teoryang Pooh-pooh

Tinutukoy nito sa mga paggamit ng bibig, na kung saan nililikha ang mga tunog na galing sa dala ng emosyon tulad nga saya, lungkot, galit, atbp.

4. Teoryang Ta-ra-ra Boom De Ay

Ang teoryang ito ay nagsasabi na ang wika ng tao ay galing sa mga tunog na nilikha sa mga ritwal na nagbabagu-bago at binigyan ng ibang kahulugan katulat ng pagsayaw, pagtatanim, atbp.

5. Teoryang Sing-song

Isang teorya na kung saan ang mga unang salita ay mahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.

6. Teoryang Biblikal

Ito ay mula sa Biblia sa Genesis 11: 1-8 na nagsasabii na ang buong lupa ay iisang wika at iisang mga salita,

7. Teoryang Yoo He Yo

Ayon kay A.S Diamond, ang tao ay natutong magsalita bunga ng kaniyang puwersang pisikal.

8. Teoryang Ta-ta

Galing sa wikang Pranses, ito ay nangahulugang paalam sapagkat kapag ang isang tao ay nagpapaalam, siya ay kumakampay ang kamay nang pataas o pababa.

9. Teoryang Mama

Tinutukoy ito sa unang sinabil ng sanggol, na dahil hindi niya masabi ang salitang ina o ang Ingles na mother, sinabi niyang mama kapalit sa mother.

10. Teoryang Hey you!

Ayon sa linggwistang si Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang kontak.

11. Teoryang Coo coo

Tinutukoy nito sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol na ginagaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid.

12. Teoryang Babble Lucky

Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga walang kahulugang bulalas ng mga tao na nasuwertehang nakalikha at iniugnay sa mga bagay-bagay sa paligid.

13. Teoryang Hocus Pocus

Ayon kay Boree, ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno.

14. Teoryang Eureka!

Ayon rin kay Boree, ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang nalika ang mga ideyang iyon, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay- bagay.

BASAHIN DIN: PANITIKAN – Ang Kahulugan, Uri, Anyo At Mga Akda Nito

Leave a Comment