The President of the Republic of the Philippines, Pres. Benigno S. Aquino seemed unworried over his decision to veto the proposed SSS Pension Increase that could hurt the candidacy of his chosen successor Mar Roxas and even the entire Liberal Party slate in the 2016 poll.
Although the President skipped any direct reference to the veto in his speech in Malolos, he indicated that he will remain steadfast in making decisions which he thinks are right despite public opposition.
During the event Pres. Aquino took the occasion to justify his veto, reiterating that the bill will benefit 2 million pensioners and their dependents but disrupt the stability of the entire SSS benefit system and negatively affect 31 million other pensioners.
“Sa punto ho nito, lahat ng ginagawa natin sa kasalukuyan manigurado na ‘yung papalit sa atin ay bawas na ang problema. Ang paniniwala po natin, ‘yung problemang hindi tinutugunan ngayon, naipapasa sa susunod, tuloy ang pahirap sa kapwa natin Pilipino, at hindi tama ‘yon. Hindi dapat ganon ang gawin ng gobyernong binigyan ng poder ng sambayanan,” Aquino said.
“Hayaan niyo lang pong idiin ko: Bilang ama ng bayan, tungkulin kong itaguyod ang makabubuti sa mas nakakarami parati. Ang tutok natin, hindi pagpapapogi, hindi sa pagpapanatili ng sarili sa puwesto, kundi sa pagtugon sa tunay na pangangailangan ng atin pong mga kababayan, hindi lang ngayon, kundi maging sa mga susunod pang henerasyon. Anumang reaksiyon, gaano man katindi ang mga batikos na matanggap natin sa mahihirap na desisyon, buong-loob nating tinutupad ang sinumpaan nating tungkuling magsilbi nang tapat sa atin pong mga Boss, ang sambayanang Pilipino.
“Palapit na nga po nang palapit ang sangandaan na muling haharapin ng bayan sa pagpili ng mga bagong pinuno ng ating bansa. Ang tanong: Tutuloy ba tayo sa pagbagtas sa Daang Matuwid, o kakabig pabalik sa masalimuot na sitwasyong ating dinatnan? Nakita natin ang resulta ng kalakarang baluktot, unahan, at kanya-kanya. Gayundin, saksi tayo sa positibong bunga ng sistemang tuwid, tulungan, at may malasakit sa isa’t isa. Buo naman po ang tiwala ko: Batid ng Pilipino ang tamang direksiyong nararapat tahakin ng ating bansa. Pilipino pa rin ang magdadala sa katuparan ng kolektibong pangarap natin para sa mas maunlad at mas maginhawang Pilipinas,” he added.