The Kapuso Network, GMA 7 have already issued an official statement regarding the probation issued by the MTRCB with regards to the Party Pilipinas episode last Sunday.
The Movie and Television Review and Cl(–foul word(s) removed–)ification Board ordered Party Pilipinas and GMA-7 to issue a public apology for the issue involving the dance number made by Lovi Poe and Rocco Nacino.
Here’s the official Statement from both Party Pilipinas and GMA 7:
Here’s GMA network statement:
“Nais naming humingi ng pag-unawa sa mga manonood na maaaaring nabahala at hindi nagustuhan ang mga nasabing eksenang naipalabas sa Party Pilipinas.
“Inaako namin ang responsibilidad sa nangyari.
“Sisikapin ng GMA-7 na lubos na magampanan an gaming tungkulin, na bigyan ang lahag ng manonood ng mga programa na makabuluhan at angkop sa edad ng mga manonoood.”
Meanwhile, here’s Party Pilipinas Official Statement:
“Noong January 29, 2013, tinawag ng Movie and Television Review and Cl(–foul word(s) removed–)ification Board (MTRCB) ang pansin ng GMA Network (GMA) patungkol sa mga reklamong natanggap na may kinalaman sa ‘Opening Number’ ng programang Party Pilipinas na lumabas noong Enero 27, 2013.
“Sinabi ng MTRCB na ang ‘Opening Number’ ay hindi angkop sa mga batang may murang edad dahil sa mga eksenang may suhestyon at mga galaw na sekswal. Dahil dito ay gumawa ang GMA-7 ng imbestigasyon upang matukoy kung ano ang pagkakamali at ang mga taong may kinalaman sa pagkakamali at kung paano hindi na mauulit ang ganitong pangyayari.
“Habang umuusad ang imbestigasyon ng GMA7, nais naming humingi ng pag-unawa sa mga manonood na maaaaring nabahala at hindi nagustuhan ang mga nasabing eksenang naipalabas sa Party Pilipinas.
“Inaako namin ang responsibilidad sa nangyari. Sisikapin ng GMA-7 na lubos na magampanan ang aming tungkulin, na bigyan ang lahat ng manonood ng mga programa na makabuluhan at angkop sa edad ng mga manonoood.
“Sa mga susunod na mga araw, ang GMA ay makikipagtulungan sa MTRCB upang lalong pagtibayin ang mga proseso at pamamaraang ginamit para maiwasan ang ganitong pangyayari.
“Makaaasa ang lahat na gagawin ng GMA ang nararapat upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga manonood, lalo na ang mga batang may murang edad.”
Source: GMA Network