Ano Ang Pinagkaiba Ng Sitwasyon Ng Wika Sa Lipunan Noon At Ngayon? (Sagot)
SITWASYON NG WIKA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang pinagkaiba ng sitwasyon ng wika sa lipunan noon at ngayon.
Dahil sa modernisasyon, malaki na ang pinagbago ng wika sa ating lipunan. Dati, makikita nating ginagamit ang ating pansariling mga salita para bigyang kahulugan ang mga bagay bagay.
Pero, dahil sa impluwensiya ng mga banyaga, pagdating ng internet, at iba pang mga kadahilanan, mabilis na umiba ang sitwasyon ng ating wika. Ngayon, madalas natin maririnig ang Taglish o ang pagsama-sama ng Tagalog at Ingles.
Ang mga salita ay nag-iiba na ng kahulugan dahil sa mga memes at iba pang mga kaaliwan sa sosyal medya. Pero, ito lamang ay normal na proseso ng pagbabago sa wika at nangyari na rin ito sa sinaunang mga panahon.
Ang ating wikang pambansa na Filipino ay ang pinagsama-samang hiram na salita galing sa mga manankop na banyaga at mga katutubong salita. Na impluwensiyahan din ito ng mga kultura na dinala ng mga banyaga at naging parte na rin ng kultura natin.
Likas na nagbabago ang wika ngunit, ang ating orihinal na wikang pambansa, ang Filipino, ay dapat pa ring bigyang halaga. Ito’y dahil parte na ito ng ating kasaysayan at kasarinlan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Kaisipan Sa Timog Asya – Mito At Sinaunang Kaisipan