Ano-ano Ang Mga Katangian Ni Quasimodo? (Sagot)
Katangian Ni Quasimodo – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga katangian ni Quasimodo, ang Kuba ng Notra Dame.
Mas kilala sa Ingles bilang “The Hunchback of Notre Dame” o sa o sa orihinal niyang pangalan bilang “Notre-Dame de Paris”, ito’y isang nobelang Pranses Gothic na gaya ng sinabi sa itaas, isinulat ni Victor Hugo na inilathala noong 1831.
Bilang isang kuba, si Quasimodo ay nahiya dahil sa kanyang kaanyuan. Pero, kahit na siya’y hindi kanais-nais tignan ayon sa mata ng publiko, siya pa rin ay may gintong puso.
Noong bata palamang si Quasimodo, siya na ay inabandona at iniwan sa Notre Dame. Siya ay kinupkop ng Archeacon na si Claude Frollo. Si Quasimodo ay mayroong malaking kulugo na tumatakip sa kanyang mata at palawit na lumalabas sa kanyang dibdib.
Ngunit, kahit na ganito siya, si Quasimodo pa rin ay may purong puso na naka-angat mismo sa Simbahan na kung saan siya nakatira.
Siya ay nagkaroon ng pagmamahal sa kampana ng Notre Dame at ang mga magagandang tunog na nagagawa nito.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ang Kuba Ng Notre Dame – Buod Ng Nobela Ni Victor Hugo