Ano Ang Mga Teknik Sa Pagpapalawak Ng Paksa? (Sagot)
PAGPAPALAWAK NG PAKSA – Sa artikulong ito, ating tatalakayin kung ano ang mga teknik o paraan ng pagpapalawag ng isang paksa at ang mga halimbawa nito.
Kapag ika’y sumusulat tungkol sa isang paksa, palagi dapat natin itanong kung paano pa ito papalawakin. Pero, ating tandaan, na ang pagpapalawak nito ay dapat naka sentro pa rin o naka pokus sa pangunahing paksa.
Isa sa mga paraan upang palawakin ito ay ang pag-iisip ng mga salita o ideya na magkaugnay sa ating pangunahing paksa. Halimbawa, kung ang ating paksa ay tungkol sa mga “Bayani Ng Pilipinas”, maaari tayong magsimula sa mga sikat na bayani katulad nina Dr. Jose Rizal at Andres Bonifacio.
Pagkatapos nito, maaari tayong sumulat ng kaunting detalye tungkol sa buhay ng mga bayaning ito at ang kanilang nagawa para sa bayan. Sunod, maaari rin nating tangkilikin ang mga modernong bayani katulad ng mga guro, police, doktor, at iba pang tumutulong na ipa unlad ang buhay ng ibang tao.
Bukod dito, puwede rin tayo kumuha ng datos galing sa ibang mga lehitimong mga mapagkukunan. Sa paraang ito, mayroon tayong iba’t-ibang perspektibo tungkol sa isang paksa.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN – Paano Naiiba Ang Dula Sa Ibang Uri Ng Panitikan?