Ng At Nang – Halimbawa Ng Paggamit Ng Dalawang Katagang Ito
NG AT NANG – Sa paksang ito, ating aalamin pa ang iba’t iba pang mga haliimbawa ng wastong paggamit ng dalawang katagang ng at nang.
Muli nating alamin kung ano ang mga katagang ito.
Ang katagang ng ay ginagamit sa sumusunod:
- Kasunod sa mga pang-uring pamilang
- Mga pangngalan
- Magsaad ng pagmamay-ari
- Ang sinusundan na salita ay pang-uri
- Bilang pananda sa gumaganap ng pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa
- Napakagara ang tahanan ng mga Vasquez
- Ang palad ng mayayaman ay napakanipis
- Si Sharon ang maglilinis ng sarili niyang kuwarto
- Ang klasmeyt ko ay ubod ng yabang.
- Ano kaya ang kainin ng bata?
- Ang asawa ng kapatid ko ay napakamasunurin.
Ang katagang nang naman ay ginagamit sa sumusunod:
- Sa gitna ng mga pandiwang inuulit
- Pampalit sa “na at ang”, “na at ng”, at “na at na” sa pangungusap.
- Magsaad ng dahilan o kilos ng galaw.
Halimbawa
- Gumising ako nang maaga para magtrabaho sa aking pamilya
- Umaga nang dumating si Jose sa bahay nila.
- Unti-unti nang nauubos ang pasensya ko sa taong iyan.
- Basahin mo muna nang mahinahon ang babala upang aalamin natin ang hindi dapat gawin.
- Tatapusin mo na agad ang iyong trabaho nang sabay ka na sa akin pag-uwi natin.