Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Kahulugan Ng Napalago?”
NAPALAGO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang napalago at ang mga halimbawa nito.
Kapag sinabi nating napalago, ang ibig sabihin nito ay napaunlad natin ang isang bagay. Kadalasan, naririnig natin ang salitang ito kapag ang pinag-uusapan ay negosyo. Halimbawa: Napalago ni Peter ang kanyang negosyong pagbebenta ng isda.
Ang ibig sabihin ng pangungusap sa itaas ay napa unlad na ni Peter o umasenso na ang kanyang negosyong pagbebenta ng mga isda. Heto pa ang ibang mga halimbawa:
- Paano kaya ni Eva napalago ang kanyang online business?
- Hindi napalago ni Hector ang kanyang talento sa pagsasayaw.
- Napalago ko ang aking maliit na hardin.
- Dapat nating palaguin ang ating kaalaman tungkol sa kasaysayan ng ating bansa .
- Ano ang mga paraan upang palaguin ang ating mga negosyo sa harap ng pandemya?
Atin lamang tandaan na kapag sinabi nating “napalago”, ito ay ang pag-uunlad, o pag-papabuti ng isang bagay at kadalasan ay ginagamit kapag negosyo ang pinag-uusapan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Haiku Tungkol Sa Kalikasan: 5+ Halimbawa Ng Mga Haiku