Ano Ang Kahalagahan Ng Sariling Kaunlaran? (Sagot)
SARILING KAUNLARAN – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang halimbawa ng kahalagahan ng sariling kaunlaran.
Ang sariling kaunlaran o “self development” sa Ingles ang isa sa pinakamahalagang bagay na dapat nating gawing lahat. Ito ang magpapatunay na tayo ay may kakahayan nang magsarili.
Bukod rito, mahahasa rin ang ating mga talento at maaari tayong maka diskubre ng iba pang bagay kung saan tayo magaling. Isa rin sa mga kahalagahan nito ay ang pagbibigay sa atin ng pansariling pagganyak. Dahil dito, tayo mismo ang tumutulak sa ating sarili upang gawin ang mga bagay na ating gusto.
Ngunit, ang isa sa pinakamahalagang bagay na maaari nating matutunan sa pansariling kaunlaran ay ang makita ang ating mga pagkakamali. Sa paraang ito, matututo tayong baguhin ang mga negatibong aspeto ng ating sarili.
Ang pansariling kaunlaran rin ay nagpapabuti ng ating “self-awarness”. Dito natin tunay na makikita ang mga aspeto ng ating buhay na kailangan nating baguhin, bigyang halaga, at pagbutihin.
Wala nang ibang tao na mas nakakaalam pa sa iyong sarili kundi ikaw mismo. Ngunit, hindi mo ito malalaman kapag wala kang sariling kaunlaran.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Bakit Mahalaga Ang Unang Wika? – Paliwanag At Iba Pa!