Tala ng Mga Pinagkukunang-Yaman ng Bansa at Pagtalakay ng Bawat Isa
MGA PINAGKUKUNANG-YAMAN NG BANSA – Narito ang isang pagtalakay tungkol sa mga iba’t ibang pinagkukuhanan ng mga bagay na tumutugon sa pangangailangan ng tao.
Ang Filipino ang isa sa mga asignatura na itinuturo simula kindergarten hanggang sa kolehiyo. Sa elementarya, isa sa mga topikong itinatalakay ay tungkol sa mga pinagkukunang-yaman ng bansa para matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Yamang Likas
Ang yamang likas na maituturing sa bansa ay ang kagubatan. Ito ay halos kalahating porsyento (50%) ng lahat ng lupain sa bansa at ito ang pinagkukunan ng iba’t ibang yaman katulad ng mga halaman, puno, hayop, at insekto.
Kabilang sa Yamang Likas ang mga yamang lupa sa Pilipinas katulad ng halos 3,500 na uri ng mga kahoy. Pagdating sa mga hayop, maraming iba’t ibang uri ng hayop na matatagpuan sa kagubatan katulad ng Pilandok, tarsier, agila, unggoy, kwago, racoon, at maging mga dagang panggubat.
Yamang Tao
Isa rin sa mga pinagkukunang-yaman ng bansa ay ang mga yamang tao. Ito ay tumutukoy sa mga angking kakayahan ng isang indibidwal pati na rin ang kanyang talino at kasanayan.
Yamang Kapital
Ang Yamang Kapital ay ang mga kalakal at ari-ariang ginagamit sa pagprodyus ng iba pang mga serbisyo at produkto.
Yamang Mineral
Ang mineral ay mga solidong materyal na makikita sa ating daigdig. Ang Pilipinas ay sagana sa mineral na makikita sa ilalim ng ating mga karagtan at mga saping bato o leyer sa lupa. Mayroong tatlong klase ng mineral:
- Metal — Ito ay magandang konduktor ng kuryente. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng metal:
- Ginto
- Tanso
- Pilak
- Nikel
- Kromito
- Tingga
- Zinc
- Di-Metal — Ito ay ang klase ng mineral na hindi mainam na konduktor ng kuryente. Narito ang mga halimbawa ng di-metal na uri ng mga mineral:
- Luwad
- Asbestos
- Aspalto
- Marmol
- Graphite
- Panggatong — Ito ang yamang-enerhiya ng bansa. Narito ang halimbawa ng ilan sa mga panggatong:
- Langis
- Uling
- Petrolyo
- Natural Gas