Masustansyang Pagkain – Bakit Kailangan Nating Kumain Nito?

Ito ang mga halimbawa ng mga masustansyang pagkain at mga dahilan kung bakit natin ito kailangan.

MASUSTANSYANG PAGKAIN – Mahalaga ang pagkain ng mga masusustansyang pagkain at ito ang mga halimbawa nito na dapat nating kainin.

Ang pagkain ay isang mahalagang parte ng ating buhay sapagkat ito ang nagbibigay sa atin ng lakas para gawin ang ating mga gawain at maging produktibo sa buhay. Ang mga pagkaing masustansya ang nagpapalakas at nagpapasigla ng katawan.

Ito ang mga pagkain na mayaman sa carbohydrates, taba, protina, bitamina, tubig, at mineral. Sa madaling salita, ito ay tumutukoy sa mga pagkain na may mataas na kalidad na dapat nating kainin.

May mga dahilan kung bakit kailangan nating bawasan ang pag kain ng mga pagkain na matataba, maalat, o matatamis.

Masustansyang Pagkain

Ito ang mga halimbawa ng mga pagkaing mabuti para sa katawan:

  • Mga pagkaing protina tulad ng karne at isda
  • Mga berdeng gulay tulad ng saluyot, petsay, kangkong, at malunggay
  • Mga pagkaing may vitamin A tulad ng karot at kalabasa
  • Mga gatas o produktong gawa sa gatas
  • Piliin ang unsaturated oil kapag magluluto

Isa rin sa mga epektibong paraan para maging malusog ay ang pag-inom ng maraming tubig at pagkakaroon ng sapat na pahinga. Dapat ay palagi rin tayong nagi-exercise para maging holistic ang ating buong kalusugan.

Ang mga prutas at mga gulay ang mga pangunahing pinanggagalingan ng bitamina at mineral kaya nararapat lamang na palagi nating kinakain ang mga ito.

Bakit mahalaga ang pagkain ng tama at masustansya?

Marami ang mga patunay na mas mahaba ang buhay ng mga taong kumakain ng taqma at masustansya. Malayo rin sila sa mga sakit tulad ng sakit sa dugo at puso tulad ng atake sa puso, stroke, at ibang mga kanser.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment