Pamahalaang Diktatoryal – Anong Uri Ng Pamahalaan Ang Pamahalaang Diktatoryal?

Ano ang pamahalaang diktatoryal? Alamin dito!

PAMAHALAANG DIKTATORYAL – Anong uri ng pamahalaan ang pamahalaang diktatoryal? Alamin ang uri ng pamahalaan na ito.

Ang pinakaunang diktador ng bansa ay ang unang pangulo na si Emilio Aguinaldo. Siya ay nagdesisyon na magtatagng isang panibagong pamahalaang Pilipino nang siya ay magbalik mula sa Hong Kong.

Nagtatag ng Pamahalaang Diktatoryal si Aguinaldo noong Mayo 24, 1898, at nahawakan niya ang kapangyarihan ng isang diktador.

Binigyan diin niya ng mga panahon na ito na ang ganitong uri ng pamahalaan ay pansamantala lamang dahil ito ay kinakailangan ng sitwasyong bansa. Ito ang payo sa kanya ni Ambrosio Rianzares Bautista, isang abogado.

Pamahalaang Diktatoryal

Ito ay sinunod ng pangulo para masaklaw ang bansa at madaling manalo sa pakikidigma at ang pamahalaa na ito ay mananatili habang may digmaan.

Ang pamahalaang diktatoryal ay isang uri ng pamahalaan kung saan iisang tao lamang ang may hawak ng kapangyarihan. Ang lahat ng kanyang utos ay naipapatupad at siya rin ang mag-isang gumagawa ng batas.

Ito ang kabaliktaran ng demokrasya.

Sa Asya, ang North Korea ay may ganitong pamamahala na nararanasan sa pamumuno ni Kim Jong Un. Kadalasan, ang ganitong uri ng pamahalaan ay nagpapakita ng malupit na opresyon at pangongorap sa mamamayan.

Sa Pilipinas, ang huling diktador na namuno ay si Ferdinand Marcos Sr. Lahat ng kanyang utos ay nasusunod at ang paraan ng kanyang pagpapatakbo ay nangyari ng mahigit sa dalawang dekada.

Siya ang ika-sampung presidente ng Pilipinas.

Pagkatapos ng mahigit sa dalawang dekada na pamumuno, siya ay napaalis sa posisyon dahil ang-rebolusyon ang mga Pilipino. Napalitan ng demokrasya ang diktatoryal at ito ang demokrasya na ating tinatamasa hanggang ngayon.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment