Ano ang isang pangyayari sa Kabihasnang Minoans? Alamin ang sagot dito.
KABIHASNANG MINOANS – Mga detalye at mga pangyayari sa kabihasnang Minoan o tinatawag din na sibilisasyong Minoano.
Sa kasaysayan ng Europa, itinuturing na isa sa mga pinakamatagumpay at pinakamakapangyarihang kabihasnan ay ang kabihasnang Minoan. Ang mga Knossos ang nagwagi sa pananakop sa kabuuang Isla ng Crete at naging sentro ng kabihasnan.

Ang Crete ang isa sa mga pinakamalaking isla sa kontinente at napagtagumpayan ng mga Knossos na sakupin ito. Ito ang naging daan upang maitatag ang sibilisasyong Minoano na pinamunuan ni Haring Minos (3100 BCE). Sa pangalan ng hari rin nakuha o nahango ang pangalan ng kabihasnang ito.
Sa panahong ng kabihasnang ito, napaunlad ang pangangalakal at mas napagtibay ang hukbong-dagat.
Ang mga Minoans ay tanyag din bilang magagaling gumamit ng metal at iba pang teknolohiya. Mahuhusay sila bilang mga manlalayag, may sarili silang pamamaraan ng paghulat, at ang kanilang mga tahanan ay gawa sa laryo o bricks.
Ang kasaganaan ng Crete ay ipinagpapalagay ng mga dalubhasa na nangyari mula 1600 BCE hanggang 1100 BCE. Yumabong ang isla dahil sa pagpapalitan ng produkto ng mga Minoan sa SIlangan at Aegean.
May apat na antas ang lipunan ng kabihasnang ito:
- Mga maharlika
- Mga mangangalakal
- Mga magbubukid
- Mga alipin
Sila rin ang unang nakapagpatayo ng arena sa buong daigdig at dito nila isinasagawa ang mga paligsahan sa iba’t ibang mga larangan.
Tumagal hanggang 1400 BCE ang kabihasnang ito. Nagsimulang humina ang kanilang pamumuhay hanggang sa maglaho dahil sa mga paglusob. Ang mga paglusob na ito ay sumira ng kanilang mga pamumuhay at lipunan.
READ ALSO:
- What is Cause and Effect and their Example Sentences
- Kahulugan At Kahalagan Ng Wika (Alamin Ang Mga Sagot)
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.