Si Pagong At Si Matsing: May Akda at Buod Ng Kwento

Ang may akda ng kwentong Si Pagong At Si Matsing at ang buod ng kwento.

SI PAGONG AT SI MATSING – Alamin kung sino ang sumulat o may akda ng sikat na kwentong pambata na ito.

Ang sumulat ng sikat kwento na napasa sa iba’t ibang henerasyon ay si Jose Rizal, ang pambansang bayani. Ito ay isang pabula tungkol sa kung paano niloko ng unggoy o matsing ang isang pagong para sa isang puno ng saging.

Si Pagong At Si Matsing

Ang kwento ay unang nalathala sa wikang Ingles Trübner’s Oriental Record sa Inglatera sa edisyong Hulyo 1989. Dito rin nagsimula literaturang pambata ng Pilipino.

At sa dami ng taong lumipas, maraming mga manunulat ang gumawa ng kanilang mga sariling bersyon ng kwentong pambata na ito ngunit iisa ang mga karakter na ginamit at pareho ang mga aral na makukuha.

Basahin ang buod ng kwento:

Alam ni Pagong na tuso at mapagbiro ang kanyang kaibigang si Matsing. Subalit, si Pagong naman ay mabait at matulungin.

Isang araw, may nakita silang puno ng saging at naisipan nilang hatiin ang bunga nito. Kaya naman, pinutol nila sa dalawa ang puno.

Kinuha ni matsing ang itaas na parte ng puno kasama ang sobrang daming bunga ng saging. Pero, si Pagong naman ay naiwan ng ugat. Hindi rumeklamo si pagong dahil likas siyang mapagpasensya.

Inuwi niya ang kanyang puno, tinanim, at di naglaon ay nabuhay ang kanyang puno at namunga rin ng saging. Ngunit, si matsing naman ay muling nagutom at wala nang makain. Pero, hindi rin makukuha ni pagong ang bunga dahil masyadong mataas.

Sinabihan naman ni matsing a
ng pagong na tutulungan raw siyang kunin ang saging. Ngunit, nung nasa itaas na ito, hindi niya binigyan ang kanyang kaibigan at nang asar pa.

Gustong turuan ni Pagong a
ng Matsing ng leksyon at nilagyan nito ng mga tusok ang ilalim ng puno. Pagkababa ng Matsing, na tinik ito at nagalit kay Pagong.

Kinuha ni Matsing si Pagong at pinagalitan. Pagkatapos, tinanong niya ito kung saan niya gustong itapon, sa lusong o sa ilog. Sinabihan siya ni Pagong na gusto niyang bayuhin sa Lusong.

Dahil sa galit, akala ni Matsing gusto talaga ni Pagong sa lusong kaya naman na pagisipan niyang i-bato na lang ito sa ilog. Subalit, matapos siyang ibato ni Matsing, nag pasalamat si Pagong dahil pangalawang bahay niya ang ilog.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment