Kahalagahan Ng Suez Canal – Kahalagahan Ng Pagbubukas Ng Suez Canal

Ito ang naging kahalagahan ng Suez Canal mula ng ito ay magbukas.

KAHALAGAHAN NG SUEZ CANAL – Sagot kung bakit mahalaga ang Suez Canal at ang mga kahalagahan nito sa kalakalan.

Ang tubig na gawa ng tao na kumu-konekta sa Dagat Mediteraneo sa Dagat ng India sa pamamagitan ng Pulang Dagat ay ang Suez Canal. Nagbigay ito ng isang direktang ruta sa pagitan ng Europa at Asya. Ito ay bumabagtas mula sa Port Said sa Dagat Mediteraneo sa Egypt patungo sa timog hanggang sa lungsod ng Suez (matatagpuan sa hilagang baybayin ng Golpo ng Suez). 

Kahalagahan Ng Suez Canal

Ang haba nito ay umaabot ng 164 kilometro pero sa kasalukuyan, ang haba nito ay 130 kilometro. Ito ay may lalim na 25 talampakan, lapad na 72 talampakan sa ilalim, at 200 hanggang 300 talampakan na lapad sa ibabaw.

Opisyal itong nagbukas noong Nobyembre 17, 1869, at sampung taon ang iginugol para ito ay mabuo. Ang pinakaunang barkona dumaan dito ay ang emperador na yate ng French Empress Eugenie, ang Ang Agila at sumunod naman dito ang British ocean liner Delta.

Ang Suez Canal ay naging mahalaga sa kalakalan lalo na sa Pilipinas sa aspetong ito.

Ilan sa mga naging magandang epekto ng pagbubukas ng Suez Canal ay:

  • mabilis na paglabas at pagpasok ng mga produkto
  • pag-usbong ng kaisipang liberal at pagkaka-pantay-pantay
  • pagkakaroon ng kalayaan
  • oportunidad na umunlad sa mga mahihirap
  • naging mas maayos ang sistema ng komunikasyon ng mga bansa
  • mas naging mabilis ang transportasyon
  • mas naging mabilis ang komunikasyon
  • naging mas maikli ang ruta mula silangan hanggang kanluran
  • naging mas madali at mabilis ang pakikipagkalakalan nga mga bansa
  • mas madali ang pagpapalitan ng ideya mula Europa at Pilipinas
  • maraming mga Pilipino ang nakapag-aral sa Espanya

BASAHIN:

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

1 thought on “Kahalagahan Ng Suez Canal – Kahalagahan Ng Pagbubukas Ng Suez Canal”

Leave a Comment