Heto Ang Mga Halimbawa Kung Paano Nagsisimula Sa Pamilya Ang Pagiging Makatarungan? (Sagot)
PAGIGING MAKATARUNGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kun paano nagsisimula sa ating pamilya ang pagiging makatarungan.
Sa ating lipunan, masasabi natin na ang “Pamilya” ang pinakamahalagang unit dito. Ang mga ugali at magagandang asal ng mga kabataan ay nagsisimula sa tahanan kasama ang ating pamilya.
Kaya naman, tama lamang na sabihin na sa pamilya nagsisimula ang pagiging makatarungan. Ito’y dahil tinuturo dito ang pagkakaroon ng magandang pagkatao.
Dapat na kasama sa tinuturo ng pamilya ang ang magandang pagkatao at pagiging makatarungan dahil ito’y nagiging paraan para mabawasan ang alitan.
Kapag tayo ay makatarungan, alam na natin kung ano ang tama at kung ano ang mali. Nagdudulot ito ng kalayaan upang makapili ng desisyon o aksyon na alam natin ay para sa kabutihan.
Kung hindi na didisiplina ng mga pamilya ang kanilang mga anak, may posibilidad na hindi ito lalaki na makatarungan. Pero, nagsisimula rin ito sa mismong mga magulang.
Ang mga ginagawa ng magulang, kaugalian, at mga asal ay direktang sumasalamin sa mga ginagawa ng kanilang anak. Dito makikita kung bakit napakahalaga ng pamilya bilang gabay sa pagtuturo ng katarungan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Paano Ilarawan Ang Katutubong Pilipino? (Sagot)