Heto Ang Pinakamatandang Kabihasnan Sa Kasaysayan
PINAKAMATANDANG KABIHASNAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang pinakamatandang kabihasnan sa kasaysayan.
Sa Silagang Asya, ating matatagpuan ang pinakamatandang kabihasnan sa buong mundo – ang Kabihasnang Tsino. Ayon sa mga eksperto, ang Chna ang itinuturing pinakamatanda dahil hanggang ngayon, nanatili pa ito.
Katulad lamang ng kabihasnang Mesopotamia, India, at Egypt, ang China ay umunlad sa tabing ilog na malapit sa Yellow River o Huang Ho. Pero, bakit nga ba mahalaga ang ilog na ito?
Ang Huang Ho/Yellow River ay tinawag na Pighati ng China dahil maraming ang nawawalan ng buhay kapag bumaha ito. Dahil sa pagbaha, nagkaroon ng pataba na lupa dahil patag ng North China plains.
Heto naman ang mga dinastiyang namuno sa Kabihasnan ng Tsina:
- Hsia/Xia – Dahil sa kakulangan sa ebidensiya, hindi matitiyak kung ang dinastiyang ito ay sinimulan ni Yu, ang unang pinuno ng Hsia/Xia dynasty. Pinaniwalaan na siya ang nakagawa ng paraan upang maikontrol ang pagbaha sa Ilog Huang Ho.
- Shang – Tinaguriang pinakamaunlad na kabihasnang gumamit ng bronse. Sinasabi na ang pinaka matandang kasulatang tsino ay naiwan sa loob ng mga oracle bones.
- Chou/ Zhou – Ito ang dynastiya na tumalo sa Shang. Isinatupad nila ang kanilang “Mandate of Heaven” o ang “Basbas ng Kalangitan”.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Hakbang Sa Pagbuo Ng Makabuluhang Pananaliksik – Halimbawa