Heto Ang Mga Dahilan Kung Bakit Kailangan Natin Pag-Aralan Ang Panitikan
KAHALAGAHAN NG PANITIKAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung bakit nga ba kailangan pag-aralan ang panitikan.
Ang panitikan ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng ating kasaysayan, kultura, at tradisyon. Pero, ano nga ba ang panitikan?

Ayon sa nakalipas nating artikulo, ang panitikan ay kinuha sa salitang “pang-titik-an“. Ito ay batay sa salitang “titik” nangunguhulugang “literatura” (literature).
Dahil sa panitikan, na bibigyan ng isang plataporma ang kahit sino na ipahayag ang kanilang mga ideolohiya, kaisipan, damdamin, karanasan, hangarin, at diwa ng mga tao.
BAKIT MAHALAGANG PAG-ARALAN ANG PANITIKAN?
- Upang maunawaan ang kulturang Pilipino, maunawaan ang ating minanang intelektwal na kayamanan, at maunawaan ang likas na henyo ng lahi ng ating mga ninuno.
- Upang makita natin na mayroon tayong marangal at kahanga-hangang tradisyon na naging gabay sa mga epekto ng ibang sibilisasyon.
- Upang maunawaan natin ang mga ideya sa ating panitikan at makapagsanay sa pagwawasto nito.
- Upang magkaroon ng kamalayan sa ating mga kakayahan sa pagsusulat at magsikap na mapahusay at mapaunlad ang mga ito.
- Dapat nating pag-aralan ang ating panitikan bilang mga Pilipinong nagmamahal at nagmamalasakit sa sariling kultura. Dapat nating ilagay ang isang mas mataas na priyoridad sa ating sarili kaysa sa iba.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Sino Ang Unang Nakarating Sa Pilipinas Ayon Sa Teorya? (Sagot)