Paano Nakarating Ang Unang Pangkat Ng Tao Sa Pilipinas? (Sagot)

Heto Ang Dahilan Kung Paano Nakarating Ang Unang Pangkat Ng Tao Sa Pilipinas

UNANG PANGKAT NG TAO SA PILIPINAS – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung paano nakarating ang unang mga tao sa ating bansa, ang Pilipinas.

Ang unang pangkat ng tao na dumating sa Pilipinas ay gumamit ng “tulay na lupa“. Ayon sa mga mananaliksik, iskolar, historyador, at iba pang mga akademiko, ang mga tulay na lupa ay nag-uugnay sa Pilipinas sa iba’t-ibang mga lugar ng Asya.

Ang tulay na lupa ay ang paraan na ginamit ng mga sinaunang tao upang makarating sa Pilipinas. Ilan sa mga unang tao na dumating sa ating bansa ay ang mga Aeta o Negrito.

Ngunit, ang ilang mga iskolar, gayunpaman, ay naniniwala na ang pinakaunang mga tao ay dumating sa Pilipinas hindi dahil sa tulay ng lupa, na walang patunay, ngunit dahil sila ay naglayag sa pamamagitan ng tubig, tulad ng ginawa ng mga Indonesian.

Kaya naman, isa sa mga teorya na ginagamit para masagot ang tanong kung paano nakarating ang pangunahing pangkat ng tao sa Pilipinas ay ang pag gamit ng Balangay.

Ang Balangay ay may mga pin, dowel, at fiber lashing. Ito ay ginagamit upang iugnay ang mga tabla sa gilid-gilid sa isang lashed-lug boat. Matatagpuan ang mga ito sa buong Pilipinas at karamihan ay ginagamit bilang mga komersyal na barko hanggang sa panahon ng kolonyal.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Responsibilidad Na Kambal Ng Kalayaan – Kahulugan At Halimbawa

Leave a Comment