Sagot Sa Tanong Na “Bakit Mahalaga Ang Paghubog Ng Konsensya?”
BAKIT MAHALAGA ANG KONSENYA – Ang ating konsensiya o konsensya ay mahalaga dahil ito’y galing sa paghubog ng ating likas na batas moral.
Ang paghubog ng ating konsensya at dapat nating gawin ayon sa likas na batas na moral or natural moral law sa Ingles. Kapag atin itong nagawa, mas malaki ang posibilidad na ang ating mga aksyon o desisyon ay kumikiling sa mabuti.
Ang likas na batas moral ay maaaring gamitin upang hubugin ang konsensya dahil ito ay ibinibigay sa tao bilang resulta ng kanyang pakikibahagi sa karunungan at kabutihan ng Diyos.
Kapag ang isang tao ay batay sa kanyang pag-unlad ng kanyang konsensya sa natural na batas moral, ang kanyang buhay ay magkakaroon ng kahalagahan, siya ay makakamit ang mabuti, at siya ay makikibahagi sa makabuluhang pakikipagkapwa.
Samantala, ang konsensiya ng tao kung saan naka-angat ang likas na batas moral ay ating ginagamit na pamamantayan ng moralidad. Dahil dito, ating napapasya kung ano ang tama at kung ano ang mga pagkakamali ng ating sarili o ng ibang tao.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: 30 Halimbawa Ng Karapatang Pantao At Kahulugan Nito