Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Karapatang Sibil?”
KARAPATANG SIBIL – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang karapatang sibil at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang karapatang mabuhay sa isang mapayapang kapaligiran ay isang halimbawa ng mga karapatang sibil. Ang kalayaan upang pumili ng isang pananampalataya at upang ituloy ang edukasyon.
Bukod dito, ang karapatang protektahan at magkaroon ng sariling pamilya. Anumang samahan ay may karapatang sumali. Karagdagan, ang karapatang magpahayag ng sarili sa anumang anyo ng pamamahayag.
Heto ang iba pang mga halimbawa:
- Ang karapatan sa pantay na pangangalagang medikal at paggamot.
- Karapatang tratuhin nang pantay at walang pagtatangi.
- Kapag malitis muna sa isang kaso at ang karapatang i depensa ang sarili sa korte.
Heto naman ang halimbawa ng karpatang pantao:
- Karapatang makapag-aral
- Karapatang makapagtrabaho
- Karapatang makapagnegosyo
- Karapatang magkaroon ng ari—arian
- Karapatang Maipagtanggol ang kanyang sarili
Ating tandaan na ang mga karapatang sibil ay garantiya ng pantay na mga oportunidad sa lipunan at pantay na proteksyon sa ilalim ng batas, anuman ang lahi, relihiyon, o iba pang personal na katangian.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Bakit Napipi Si Tandang Selo? – Mga Pangyayari Sa El Filibusterismo