Ano Ang Paglilimbag – Kahulugan At Halimbawa Nito

Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Paglilimbag”?

PAGLILIMBAG – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang paglilimbag at ang mga halimbawa nito.

Ang paglilimbag ay isang sinaunang metodolohiya ng pagpapahayag gamit ang pag-imprinta ng mga letra, salita, o kaya’y buong mga pangungusap. Maaari rin itong gamitin upang i-imprinta ang buong mga larawan para makabuo ng isang pahina ng artikulo.

Ano Ang Paglilimbag – Kahulugan At Halimbawa Nito

May mga pagkakataon rin itong ginagamit upang makabuo ng isang libro. Sa sinaunang mga panahon na hindi pa uso ang teknolohiya, ang paglilimbag ang nanging pangunahing plataporma para magpahayag ng impormasyon.

Nauso rin dito ang mga komiks, diyaryo, magasin, at mga peryodiko. Sa sinaunang mga panahon, lahat ng mga ito ay ginawa gamit ang paglilimbag.

Pero, dahil sa pag-angat ng teknolohiya, unti-unting nawala ang paglilimbag. Subalit, ito parin ay naging malaking parte ng ating kasaysayan at kultura. Sa kasalukuyan, may mga natitira pang mga negosyo na gumagamit ng paglilimbag.

Habang ito pa rin ay pinag-aaralan at ginagamit, hindi ito mamamatay sa kultura ng mga Pilipino. Kaya dapat natin itong bigyan pansin.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Ano Ang Homeostasis? – Kahulugan At Halimbawa Nito

Leave a Comment