Bakit Kailangang Pumili Si Alice – Sagot At Kahulugan Nito

Sagot Sa Tanong Na “Bakit Kailangang Pumili Si Alice”

ALICE – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit kailangang pumili si Alice at ang paliwanag nito.

Si Alice ay ang pangunahing tauhan sa kuwentong “Alice In Wonderland”. Sa pagdating niya sa makabagong mundo ng Wonderland, nakita ni Alice si Cheshire, isang mahikang pusa.

Bakit Kailangang Pumili Si Alice – Sagot At Kahulugan Nito

Tinanong ni Alice ito kung anong daan ang dapat niya bang piliin. Sabi naman ni Cheshire na nakadepende ito sa nais niyang puntahan. Pero bakit kaya kailangan pang pumili ni Alice?

Dahil karapatan niya ito, kinailangan ni Alice na magpasya. Dahil bahagi ito ng kanyang mga karapatan bilang tao. Si Alice bilang isang mamamayan at bilang isang indibidwal ay may kalayaan na pumili sa iba`t ibang larangan, kasama na ang trabaho, termino, at karera.

Ang katanungan ni Cheshire kay Alice ay ginawang metapora ng tunay na buhay. Maraming katanungan tayo sa kung saan dapat tayo tutungo. Marami rin ang sasabi sa atin kung saan dapat tayo sa buhay. Pero, tayo mismo ang may kalayaan na pumili ng ating sariling daan.

Masusunod nga natin ang payo ng iba, pero sa huli, tayo lamang ang makasasabi kung anong direction ang ating kukunin.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Paraan Ng Pagpapahayag – Halimbawa At Kahulugan

Leave a Comment