Kahalagahan Ng Di Berbal Na Komunikasyon – Halimbawa At Kahulugan

Ano Ang Kahalagahan Ng Di Berbal Na Komunikasyon? (Sagot)

DI BERBAL – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga kahalagahan ng di berbal na komunikasyon at ang mga halimbawa nito.

Hindi lamang isa ang uri ng komunikasyon. Mayroon tayong tinatawag na berbal at di berbal. Pero, walang uri ng komunikasyon na mas nakakalamang sa isa. Ito’y dahil parehong mahalaga ang dalawang uri ng komunikasyon na ito.

Kahalagahan Ng Di Berbal Na Komunikasyon – Halimbawa At Kahulugan

Ang berbal na komunikasyon ay gumagamit ng wika para maglipat ng impormasyon, isip, opinyon, at saloobin. Samantala, ang di berbal na komunikasyon ay naipapahayag ang mga damdamin gamit ang mga senyas, ekspresyon sa mukha o lengwahe ng katawan.

Pero, bakit nga ba kailangan pa nating mahalaman ang mga di berbal na komunikasyon?

Mahalagang salik sa pamamaraang ito ang ating mga aksyon o galaw ng katawan. Sensyas ang kasangkapan upang maipabatid ang mensahe, madalas na may napagkasunuduan o tinatanggap nang pagpapakahulugan sa mga ito.

Kadalasan, mas maasahan pa natin ang di berbal na komunikasyon para ma laman ang tunay na emosyon ng isang tao. Posibleng mag sabi ito na gusto nito ang isang bagay pero klarong makikita sa kanyang mga kilos na hindi niya na gustuhan ito.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Bakit Second Class Professionals Ang Tawag Ng Iba Sa Mga Pilipino?

Leave a Comment