Ano Ang Dote? – Kahulugan At Mga Halimbawa Nito

Ano Ang Kahulugan Ng Dote? (Sagot)

DOTE – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang Dote at ang mga halimbawa nito.

Ang mga dote o “handog” sa Tagalog ay isa sa mga karapatan ng bawat babae bago paman sila ikasal. Ito ay isang tradisyong makikita sa kulturang Islam. Ito’y itinakda at ipinag-utos sa mga aralin ng kanilang kultura.

Ano Ang Dote? – Kahulugan At Mga Halimbawa Nito

Ito rin ay paniniwala ng mga Pilipino sa bahagi ng Panay. Ito ay ang pagbibigay ng regalo ng sa mga lalaki sa kanilang nais pakasalang binukot.

Sa kultura at tradisyon ng mga islam, ang kasunduan ng isang kasalan ay hindi puwedeng maganaphanggang ang dote ay hindi sinasang-aayunan. Ito’y posibleng maging lupa, mga hayop katulad ng kalabaw at kabayo, mamahalin kagamitan, sasakyan, o salapi.

Maraming mga kultura at tradisyong sinusunod lalo na sa mga kasalan. Sa kasalan ng mga Katoliko, hindi na kailangan ang dote, ngunit sa kasalan ng mga Indiano, sinusunod naman nila ang “dowry” na parehong konsepto ng Dote.

Heto ang halimbawa ng gamit ng “dote” sa isang pangungusap:

Nagbayad man o hindi ng dote ang isang lalaki, kung kaniyang inaalagaang mabuti ang kaniyang asawa at tapat ang kaniyang pag-ibig, mapag-aalinlanganan ba ng sinuman na kaniyang iniibig ang asawang babae?

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Bakit Mahalaga Ang Anekdota? – Halimbawa At Kahulugan Nito

Leave a Comment