Ano Nga Ba Ang Kahalagahan Ng Halaman? (Sagot)
BAKIT MAHALAGA ANG HALAMAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahalagahan ng mga halaman at ang mga halimbawa nito.
Ang mga halaman ay nagbibigay sa tao ng oxygen na ginagamit natin upang makahinga. Bukod dito, nagsisilbi rin ang mga halaman bilang pagkain para sa mga tao. Sa katunayan, marami ang nagsasabi na hindi na natin kailangan kumain pa ng karne dahil puno na ng sustansya ang ibang mga halaman.
Ang dahilan kung bakit tayo’y kumakain ng karne ay para maka kuha ng protina na kailangan ng ating katawan. Pero, maraming mga halaman na sagana sa protina na minsan nga ay mas epektibo pa sa karne.
Karagdagan, ang mga halaman rin ay ginagamit natin bilang gamot sa mga sakit at sugat sa ating mga katawan. Bago pa man na imbento ang medisina, ang mga tao ay gumagamit ng mga halamang gamot para sa kanilang mga problema.
Maraming uri ng halaman, prutas, at ugat ang may malaking porsyento ng pangontra sa mikrobyo, anti-inflammatory, at iba pang mga magagandang epekto. Kaya naman, dapat nating bigyan ng halaga ang mga halaman dahil sila ay natural na na tumutulong sa mga tao kung kailangan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Kahalagahan Ng Noli Sa Mga Estudyante – Halimbawa At Kahulugan
Mahalaga Ang halaman dahil dito nanggagaling Ang mga nagawang gamot at Mahalaga dahil marami Kang naiimbento dahil sa halaman.