Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Kakayahang Intelektwal?”
INTELEKTWAL – Sa paksang ito, ating tatlakayin kung ano nga ba ang tinatawag na kakayahang intelektwal at ang mga halimbawa nito.
Ating masasabi na ang kakayahang intelektwal ay ang kakayan ng isang indibidwal na magkaroon ng kritikal na pag-iisip. Kadalasan, ang kakayahang intelektwal ay nasusukat sa pamamagitan ng mga pagsasanay o mga test.
Ang mga test na ito ay nagsasabi kung nasa anong lebel ang kakayahang intelektwal ng isang tao. Ngunit, mayroong iba’t-ibang mga pagsusulit na ginagamit para sa iba’t-ibang uri ng kakayahang itelektwal.
Ito’y dahil ang iba’t-ibang tao ay mayroong iba’t-ibang talento. Karaniwan ay ginagamit ang mga pagsusulit na may kinalaman sa akademya, abstract, lohika, at matematika.
Isa rin sa mga basehan ng kakayahang intelektwal ay ang pagbigay ng problema sa isang tao na batay sa isang “scenario” dito nalalaman kung paano ito makakaisip ng tamang desisyon.
Pero, ating tandaan na lahat tayo ay may kani-kanilang talento. Kaya hindi dapat natin minamaliit ang kahit sinong tao.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Paano Nakakatulong Ang Poster? Halimbawa At Kahulugan