Share to Facebook Share to Twitter More...

Paano Mapapahalagahan Ang Pamilya? (Sagot)

PAGPAPAHALAGA SA PAMILYA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung paano nga ba natin mapapahalagahan ang ating pamilya.

Ang ating pamilya ang pinaka importanteng mga tao sa ating buhay. Sila ang mga taong narito lagi para sa atin sa lahat ng panahon.

Paano Mapapahalagahan Ang Pamilya? Halimbawa At Iba Pa!

Kahit estudyante kaman, may trabaho na, o may sariling pamilya na, importante pa rin na bigyan natin ng halaga ang pamilyang nagpalaki sa atin. Hindi lamang ito nangangahulugang pamilya sa dugo, minsan, tayo’y may mga kaibigan, mentor, o iba pang tao na pamilya na rin ang turi natin.

Heto ang mga halimbawa kung paano sila mapapahalagahan:

  • Pagbigay ng oras para sa kanila
    • Sa ating buhay, hindi natin maiiwasang mawalan ng oras dahil sa trabaho, pag-aaral at iba pang responsibilidad. Subalit, dapat pa rin tayong gumawa ng paraan upang ma puntahan ang ating pamilya at makausap.
  • Pagtatanong ng payo sa pamilya
    • Kahit malaki kana at may sariling trabaho o pamilya, ang mga taong nagpalaki sa iyo ay nariyan parin para bigyan ka ng payo. Bukod dito, mararamdaman nila na sila’y importante pa rin sa buhay mo dahil sa kanila ka pa rin pumupunta para magtanong ng payo.
  • Magbahagi ng mabuting balita – Ang pagbabahagi ng mabuting balita sa pamilya ay nagpapakita na sila’y mahalagang parte pa rin ng buhay mo. Mararamdaman nila na sila’y malaking bahagi pa rin buhay at lahat ng tagumpay mo ay parang tagumpay na rin nila.

Marami pang mga halimbawa na puwedeng gawin. Nasa inyo na lamang kung paano niyo ito maipapakita sa personal niyong paraan.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Ano Ang Isang Estranghero? Halimbawa At Kahulugan

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Paano Mapapahalagahan Ang Pamilya? Halimbawa At Iba Pa!". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.