Share to Facebook Share to Twitter More...

Mga Halimbawa Ng Isyu Sa Paggawa O Trabaho Sa Pilipinas

ISYU SA TRABAHO – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang mga halimbawa ng isyu sa paggawa o trabaho dito sa Pilipinas.

Ang mga mangagawang Pinoy ay palaging humaharap sa maraming anyo ng isyu sa paggawa. Heto ang masakit na realidad na hanggang ngayon ay hindi pa rin na bibigyan ng solusyon.

Isyu Sa Paggawa/Trabaho Halimbawa At Kahulugan Nito

Ilan lamang sa mga problema o isyu sa trabaho ng mga Pilipino ay ang sumusunod:

  • Mababang Sahod
  • Kawalan ng Seguridad
  • Job-mismatch
  • Kontraktuwalisasyon

MABABANG SAHOD – Una sa lahat, mas mababa ang sahod sa Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa. Ito ang dahilan kung bakit pinapangarap ng mga tao na maka alis sa bansa para mag hanap ng trabaho.

Para sa karamihan ng mga Pilipino, hindi sila maka-ahon sa kahirapan kapag dito lang sila sa Pilipinas maghahanap ng trabaho. Kaya naman, nag aabroad na lamang ang manggagawang Pinoy upang ma tustusan ang pangangailangan ng pamilya.

KAWALAN NG SEGURIDAD – Kahit ano man ang iyong trabaho, ang pinakamahalaga para sa mga manggagawa ay kanilang personal na seguridad.

Dapat harapin ng bawat negosyo ang tatlong pangunahing mga isyu sa seguridad sa lugar ng trabaho – kaligtasan ng kawani, seguridad ng asset, at proteksyon ng data at iba pang mahalagang impormasyon.

JOB MISMATCH – Dahil sa kahirapan at limitadong oportunidad, marami ang nagkaka “job-mismatch”. Ito ang pagkakaroon ng trabaho na hindi naka linyada sa iyong mga talento at pinag-aralan.

KONTRAKTUWALISASYON – Malaking isyu ang kontraktuwalisasyon lalo na sa Pilipinas. Ito’y nagiging daan upang makaka tipid ang malalaking kompanya sa pagbibigay ng mga karapat-dapat na benepisyo para sa kanilang mangagawa.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Paano Mapapahalagahan Ang Pamilya? Halimbawa At Iba Pa!

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Isyu Sa Paggawa/Trabaho Halimbawa At Kahulugan Nito". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.