Share to Facebook Share to Twitter More...

Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Pahayagan Ng Masa?”

PAHAYAGAN NG MASA – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang pahayagan ng masa at ang kahulugan nito.

Ang pahayagan ng masa ay tinatawag na Tabloid. Ito ay maihahalintulad sa isang pahayagan ngunit ito’y nasulat sa isang di-pormal na paraan.

Ano Ang Pahayagan Ng Masa? Sagot At Kahulugan Nito

Kadalasan makikita dito ang mga opinyon ng taga-sulat at mga impormasyon na hindi pa ganun ka kumpermado. Subalit, ito’y mas nakaka-akit sa masa dahil sa mga pangunahing balita nito.

Nakalagay dito ang mga kontrobersyal na mga balita, mga pangyayari sa sikat na tao, pulitiko, at iba pa. Bukod dito, ang mga tabloid ang makikita natin na binebenta sa mga kalsada kaya naman madali itong mahanap ng tao.

Ang isang tabloid ay mas maliit din ang sukat ng pahina kaysa normal na pahayagan. Ito rin ay tinatawag na diyaryong pang-masa dahil ang wika na ginagamit dito ay Tagalog at mas mura ito.

Heto ang mga halimbawa ng Tabloid:

  • Hataw
  • Remate
  • Abante
  • Bandera
  • Bulgar
  • Bagong Tiktik
  • Pilipino Star Ngayon

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Saan Nagmula Ang Parabula? Sagot At Iba Pang Kaalaman!

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Ano Ang Pahayagan Ng Masa? Sagot At Kahulugan Nito". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.