Share to Facebook Share to Twitter More...

Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Kakayahang Lingguwistiko?”

KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kakayahang lingguwistiko at ang mga halimbawa nito.

Ang kakayahang lingguwistiko ay naglalarawan sa kapabilidad ng isang indibidwal na bumuo at umunawa ng tama at makahulugang pangungusap.

Ano Ang Kakayahang Lingguwistiko? Halimbawa At kahulugan Nito

Kasama na rin dito ang kakayahang lingguwistika ng Filipino at ang wastong pagsunod sa tuntunin ng balarilang Filipino.

Ilan lamang sa mga instrumento na ginagamit upang makamit ito ay ang sumusunod:

A. Mga salitang Pang-nilalaman

1. Mga Nominal

  • Pangalan- naglalarawan ng pangalan ng tao, bagay, hayop, at pook.
  • Panghalip- pamalit o panghalili sa pangngalan

2. Pandiwa – naglalarawan ng kilos o nagbibigay buhay sa pangkat ng mga salita.

3. Mga Panuring

  • Pang-Uri – nagpapakita ng turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip.
  • Pang-abay- naglalahad ng turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay

B. Mga Salitang Pangkayarian

Pangatnig– ito’y nagsasama ng dalawang salita parirala o sugnay

Halimbawa : at, pati, ni, subalit, ngunit

  • Pang-angkop- katagang naguugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Halimbawa: “Na, ng”
  • Pang-ukol – nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita. Halimbawa: “Sa, ng”

2. Mga pananda

  • Pantukoy – salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip. Halimbawa: “Si, ang, ang mga”
  • Pangawing o pangawil- salitang nagkakawing ng paksa o simuno at panag-uri. Halimbawa: “ay”.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Epekto Ng Kolonisasyon Halimbawa At Kahulugan Nito

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Ano Ang Kakayahang Lingguwistiko? Halimbawa At kahulugan Nito". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.