Ganap Na Kompetisyon Halimbawa At Kahulugan Nito

Ano Ang Mga Halimbawa Ng Ganap Na Kompetisyon? (Sagot)

GANAP NA KOMPETISYON – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang ganap na kompetisyon at ang mga halimbawa nito na ating makikita sa mga pamilihan.

Ang isang pamilihan na mayroong ganap na kompetisyon ay nagtataglay ng isang sistema na walang sino man na negosyante ang may kabuuang kontrol sa isang produkto. Sa madaling salita, ito ay uri ng negosyo na hindi monopolyo.

Ganap Na Kompetisyon Halimbawa At Kahulugan Nito

Mas maganda ang sistema ng kompetisyon na ito dahil ito’y nagdudulot ng pag-unlad sa mga produkto. Dahil marami ang maaaring pagbilhan, nasa negosyante kung paano niya mapapbuti ang kanyang serbisyo o produkto.

Heto ang mga katangian ng isang ganap na kompetisyon:

  • 1. Ang presyo ng produkto o serbisyo ay hindi madaling ma impluwensiyahan ng konsyumer o produser sapagkat marami at maliit lamang sila.
  • 2. Kadalasan, makikita natin na magkakatulad ang mga produkto partikular sa palengke kung saan may mga pare pareho ng klase ng paninda.  
  • 3. Ang mga impormasyon sa pamilihan ay madaling makuha ng publiko lalo na kung tungkol ito sa pagtaas o pagbaba ng presyo ng mga bilihin.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Di-Ganap Na Kompetisyon Halimbawa At Kahulugan

Leave a Comment