Kahulugan Ng Heuristiko At Ang Mga Halimbaw Nito

Ano Ang Kahulugan Ng Heuristiko At Halimbawa Nito? (Sagot)

HEURISITIKO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng heuristiko at ang mga halimbawa nito.

Ang heuristiko ay isang instrumento na ginagamit ng mga tao para mabigyan ng kaalaman ang kanilang sarili at magtamo ng mga tiyak na impormasyon ukol sa mundo, akademiko o propesyunal na sitwasyon.

Kahulugan Ng Heuristiko At Ang Mga Halimbaw Nito

Ito ay ang pagpapasa o paghahanap ng kaalaman, datos, o impormason tungkol sa iba’t-ibang paksa. Napaloob sa heuristiko ang sumusunod:

  • pagtatanong
  • pakikipagtalo
  • pagbibigay-depinisyon
  • panunuri
  • pakikipanayam
  • sarbey
  • pananaliksik
  • pag-eeksperimento

Bukod dito kasama rin sa heuristiko ang:

  • pakikinig sa radyo
  • panonood ng telebisyon
  • pagbabasa ng pahayagan, magasin, article, at mga aklat kung saan nakakukuha tayo ng iba’t ibang kaalaman at impormasyon.
  • pakikipanayam sa mga taong experto na sa kanilang propesyon upang masagot ang mga tanong na may patungkol sa kanilang pinagkakadalubhasaan

Halimbawa ng paggamit:

Hector: Alam mo ba na ang Pilipinas ay kabilang sa tinatawag na pacific ring of fire? Ito ang dahilan kung bakit marami tayong aktibong bulkan.

Peter: Talaga ba? Ang Galing naman!

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Representatibo Kahulugan At Mga Halimbawa Nito

Leave a Comment