Bakit Mahalaga Mag-Impok At Halimbawa Ng Pag-iimpok

Bakit Mahalaga Mag-Impok Ng Pera? (Sagot)

BAKIT MAHALAGA ANG PAG-IIMPOK – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung bakit nga ba mahalaga ang mag-impok ng ating pera sa kasalukuyang panahon.

Alam naman nating lahat na tayo ay nasa panahon ng pandemya. Kaya naman, malaking oportunidad ito para mag-impok ng pera. Hindi tayo sigurado sa mga posibleng mangyari sa atin, kaya naman, mas mabuti na lagi tayong handa.

Bakit Mahalaga Mag-Impok At Halimbawa Ng Pag-iimpok

Heto ang mga dahilan kung bakit mahalaga ang mag impok ng ating pera:

  1. Para sa ating pamilya – kapag tayo’y nag iimpok, maaari nating matugunan ang ating mga pamilya. Samantala, kung ikaw naman ay estudyante lamang, ang mga naimpok mong pera ay makakatulong sa pamilya sa panahon ng emerhensya.
  2. Para sa ating kinabukasan – kung dumating ang oras na tayo ay magigipit may mahuhugot tayo.
  3. Maiwasan natin ang mangutang – hindi naman masama ang pangungutang, pero, kapag hindi ito agad na mabayaran, lalaki ng lalaki lamang ito. Kaya naman, mas mabuti nalang na tayo’y mag impok para hindi na ito kailangang gawin.
  4. Para sa ating pagtanda – kung hindi na natin kayang mag trabaho ay may pera tayong madudukot para sa ating mga pangangailangan, dito rin pumapasok ang pag-invest.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Wikang Pambansa Halimbawa At Kahulugan Ng Mga Ito

1 thought on “Bakit Mahalaga Mag-Impok At Halimbawa Ng Pag-iimpok”

  1. Mahalaga ito dahil ang pagiipon ay makakatulong sa ating nais bilhin sa shoppe KAGAYA KO NAGIIPON AKO PARA MABILI KO ANG REALME NA GUSTO KO SA SHOPPE THANKS SANA MAKATULONG😊

    Reply

Leave a Comment